^

PSN Showbiz

Richard, aminadong may katapusan ang pagtulong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Richard, aminadong may katapusan ang pagtulong

Bilang isang negosyante ay mahalaga talaga para kay Richard Yap ang pagkakaroon ng ipon ng isang tao. Naniniwala ang aktor na malaki ang maitutulong ng naipong pera kapag dumating ang panahon na kakailanganin mo ito.  Patuloy pa rin ang krisis na kinakaharap ng bansa ngayon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic kaya talagang maraming kababayan natin ang nahihirapan sa sitwasyon. “Nakikita mo talaga na nothing last forever. Akala natin noong time na ‘yon ay ang ganda na ng takbo ng buhay pagkatapos biglang nawala. So we should be ready for things like this,” makahulugang pahayag ni Richard.

Para sa aktor ay importante na makapag-impok ang bawat isa na mayroong hanapbuhay upang hindi magipit sa panahon na mayroong mga pangangailangan. Likas din kay Richard ang pagiging matulungin sa kapwa pero may hangganan din ito. “Hindi pwede na easy come, easy go tayo. We always have a plan for something like this. Kasi ang hirap ng buhay ngayon. Lahat ng negosyante tinamaan, lahat ng kompanya may losses, pagkatapos lahat walang trabaho. So tayo rin, like kami as employer, gusto rin naming tulungan ang mga tao. so tinutulungan din natin, pero there’s limit kung hanggang kailan lang natin kaya,” paliwanag ng aktor. 

Andrea nangakong hindi iiwan si Seth

Noong Huwebes ay nagdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan si Seth Fedelin. Ayon sa aktor ay maaari na niyang tuluyang ligawan ang katambal at matalik na kaibigan na si Andrea Brillantes. “Liligawan ko na si Blythe (palayaw ng aktres), joke lang. Alam n’yo naman na palabiro ako, hindi pa,” nakangiting pahayag ni Seth.

Ayon naman kay Andrea ay malaki ang kanyang ipinagbago mula nang maging kaibigan ang aktor. “Hindi ako mahilig dumepende sa lalaki. As in pababa lang ako sa mataas na hagdan ayoko (ng inaalalayan). Hindi ako nag-e-expect pero nabago ‘yon ni Ali (tawagan nina Seth at Andrea). Naparamdam niya, na pwede mo siyang asahan. Siya ‘yung nagpabago sa akin, mas naging girly pa nga ako dahil sa kanya. Siya ‘yung unang lalaki na nakapag-surprise sa akin nang bongga, as in napaiyak ako no’n. Parang natupad ‘yung nasa bucket list ko na na-experience ko na parang nasa movie ka. As in may flowers, may cake,  may kandila, parang fairy tale,” pagbabahagi ni Andrea.

Hinding-hindi rin daw magagawa ni Andrea na iwanan pa si Seth. “Ito ay isang fact lang talaga and statement na gusto ko kasi malaman nilang lahat ‘to. Si Ali, di ko iiwan ‘yang lalaking ‘yan, fact ‘yon. Naniniwala ako na magiging successful si Ali. Matutupad lahat ng pangarap niya at hindi kita iiwan. Ang wish ko lang sana huwag kang magbago kung paano ka bilang kaibigan, kung paano ka bilang kuya, bilang isang anak, sana hindi ka magbago,” dagdag pa ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with