^

PSN Showbiz

Ibang artistang nagkaka-COVID, natatakot lumantad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka ako kung bakit kailangan itago nung iba kung tinamaan sila ng COVID-19. Naging very honest sila Christopher de Leon at Iza Calzado nang tamaan sila ng virus, ipinakitang treatable ito at puwedeng labanan, hindi kailangan ma­ging stigma kung sakali at medyo minalas ka na maging biktima ng COVID-19.

Naging sample pa nga na kahit meron ka nito, puwedeng maging safe naman ang mga kasama mo. Like ligtas naman sila Sandy Andolong at Ben Wintle. Hindi kailangang itago, magiging maganda ka ngang ehemplo para lumakas ang loob ng tao at makita na nagkasakit ka, nakaligtas at gumaling at heto balik-trabaho na like Christopher at Iza na ngayon ay nagti-taping na uli.

No need to hide, get scared of the stigma, dahil isa itong pandemic na lahat puwedeng tamaan, pero puwede rin gumaling.

Maging honest kayo tulad nila Christopher at Iza please.

Albee Benitez at Tony Tuviera, naghahanda na sa pagpasok sa TV5

Mukhang magiging maganda ang mga balak na relaunching ng TV5.

Maganda ang line-up ng mga naririnig kong programa na balak ilagay sa istasyon ng mga major blocktimer na sila Papa Tony Tuviera at former Cong. Albee Benitez.

Matagumpay ang mga project ni Papa Tony T., at balita naman na all cost pag gumawa ng project si former Cong. Albee, kaya nakakatiyak tayo na quality ang mga gagawin nilang shows para sa lahat.

Together, sure ako TV5 will soar high this time.

Marian idolo ng mga misis na may career

Iyon pagiging domesticated ni Ma­rian Rivera ang isang malaking plus factor kaya lalo sigurong tumitibay ang pagsasama nila ng asawang si Dingdong Dantes.

Bongga na habang quarantine, naharap niya ang mga bagong arrangement na ino-offer ng negosyo niyang bulaklak na FloraVida.

Bongga rin iyon mga bago niyang kaalaman sa baking na kinatuwaan ng labis ni Dingdong.

At kahit sino nilang kaibigan nagsasabi na talagang hands-on siya sa pag-aalaga ng mga anak na sila Zia at Ziggy kaya naman close na close ang dalawang bata sa parents nila.

Idol si Marian ng mga misis na career at the same time, and being a mother on top.

Kaya hindi kataka-taka na maging modelo siya ng mga young housewife and mother dahil perfect example siya sa ngayon at nakikita mo na busy siya pero alaga pa rin ang pamilya. Happy home, happy heart sabi nga.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with