Sharon tinawag na masahol pa sa COVID ang bashers
Sharon
STAR/ File
Sharon tinawag na masahol pa sa COVID ang bashers
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2020 - 12:00am

Wala nang inuurungan si Sharon Cuneta. In fighting mood si ate Shawie.

Last Wednesday ay mahaba ang rant niya na para sa mga DDS.

“Yung mga pinagkakalat na laos na ako, pero follow naman ng follow sa akin at nagngingitngit sa pagcomment ng masasakit at bagay na bagay sa basurang mga salitang sadyang sa kanila lang puede manggaling! IG, Twitter, FB, YouTube, nagkakaisa silang sirain ang pangalan ko.

“Saan ba nagsimula lahat ng kaguluhang ito? Hindi po ba sa kanila din? Pinagtatanggol ang kasamaan at pambababoy ng isang kasapi ng kulto nila. Binabaligtad at binibigyang kulay ang ilang mga nasabi ko sa galit, na ang iba naman ay di patungkol sa bastos na yon kundi ibang taong napatawad ko na.

“Eh laos na laos na po ako. Wala na dapat akong importansya! Wala na dapat meaning o atensyon ang anumang lumabas sa bibig ko kasi wala na akong relevance di ba yan ang sabi nyo? So bakit binibigyan niyo ako ng 100% na atensyon at lahaaaaat ng posts n’yo nitong mga araw na ito ay paninira lang sa akin?

“Eh laos at wala na akong saysay ‘di ba? Ayan tuloy, baka isipin ng iba may weight pa ng konti ‘di lang ang sexy bochak body ko but also my words at baka sabihin ng iba sinisira nyo ako kasi gusto nyo masira ang kredibilidad ko sa taongbayan? Kayo rin,” ang bahagi ng kanyang talak.

“Ngayon lang nga ako nagalit ng ganito. Kasi ngayon lang mula nung naging Pangulo si Pres. Duterte kayo nauso at nauso ang mga masasagwa at di masikmurang mga salita ninyo sa kapwa. Parang wala nga kayong Diyos. Mga kampon yata kayo ni satanas eh. Walang takot. Nakakahiya. Yuck!

“Tapos tinatanong niyo ako kung disente ako? Hahahaha? Basahin n’yo muna ang mga mine-message n’yo at kayo na ang sumagot kasi kita naman kung sino ang may katwiran lumaban at kung sino ang...wala lang...bastos at walang urbanidad lang.

“Naku please 2016 lang kayo nagsimula. Ako 1978 pa. Dito na ako nagdalaga at tumanda. Patagalan ba ang gusto n’yong laban? Eh di ko naman kayo papatulan na at kakalyuhin pa ang mahal ng mga taong mga daliri ko.”

Banggit pa niya, masahol pa sa COVID-19 ang bashers dahil walang gamot sa kanila, may sakit daw sa kaluluwa at walang puso.

“Ipagdarasal na lang kayo ng laos na ito,” banggit pa niya.

“PinasaDiyos ko na po kayong lahat kaya payapa na po ang puso ko. Sorry po. Di n’yo na po ako nagagalit. Nasasaktan ako noon sobra, hanggang na-realize ko, eh teka- sino ba itong mga itong wala namang nagawang mabuti sa kapwa o naiambag sa bayan? Haaay...God forgive you,” sabi pa niya sabay banggit na hindi siya Dilawan.

Wala namang maka-comment sa nasabing post dahil disabled ang comment section.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with