Retirement farm nina Boy at Leo nakakainggit
Boy at Leo
STAR/ File
Retirement farm nina Boy at Leo nakakainggit
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2020 - 12:00am

Ang ganda naman ng hobby nina Boy Abunda at Leo Espinosa, Salve. Parang ang sarap ng gardening sa mga panahon na ito dahil mas kailangan mo ang healthy at fresh na pagkain.

Parang ang dali-daling gawin pag nakikita mo ang mga gulay na inaani nila, like talong, papaya, kasuy, sili, upo at kalabasa.

Para bang everyday hindi ka na kailangang bumili ng kakainin dahil nasa sarili mong lugar ang mga inalagaan mong halaman. Para bang ang ganda at makulay ang paligid mo na puno ng gulay at prutas, at very tranquil ang ambience mo.

Wow, farming or gardening in your golden years, why not, pero dapat bumili ka muna ng farm kung saan ka puwedeng magtanim.

Sa Batangas parehong nakabili ng farm sina Boy at Leo, kaya mukhang masarap na retirement place ang lugar kung saan naging mayor, at ngayon congresswoman si Vilma Santos.

‘Happiest birthday, Sen. Cynthia!’

Alam ko na marami na naman akong bashers na lalabas sa item kong ito.

But I will never feel sensitive or affected, dahil this is what I feel.

In life, mahaba ang daang lalakarin mo bago dumating sa dulo. Maraming times na madarapa ka at masusugatan. Suwerte ka kung sa bawat pagdapa mo ay mayroong tutulong para itayo ka, at dahil doon you feel that gratitude towards that person or group of people na tumulong sa iyo.

For 27 years mula nang mapasok ko ang organization nila, mula kay Ditas Magno, Avec Amarillo, Nini Rubia, hanggang ngayon kay Anna Mae Lementillo, nadama ko ang tiwala at respeto na naging daan para tumibay ako, madagdagan ang confidence, at magkaroon ng feeling of belonging.

Hindi ako ganoon ka-close sa kanila, hindi nga yata ako kilala ni Paolo dahil hindi naman siya sumasali sa pulitika, pero magalang at mabait sa akin sina Mark at Camille Villar. Ngumingiti si Sen. Cynthia Villar pag nakikita ako, pero si Senator Manny Villar ang mas kumakausap sa akin pag may pagkakataong nagkikita kami. Iyong napakabait at very competent staff nila ang talagang tulay ko sa anumang kailangan ko at ipinadarama ‘yung galang at pagmamahal sa akin.

Kaya for that, solid Villar ako, kahit ano pang sabihin, kahit pintahan pa ng itim, kahit ano pang bashing, I will love and respect the Villars.

On this special day, wishing Sen. Cynthia Villar the happiest and safest birthday. You are still and will always be in top of my list, promise. Salute.

BOY ABUNDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with