Male personality na yumabang, biglang kumapit sa salita ng diyos
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2020 - 12:00am

Madalas magpadala ngayon ng mga mensaheng halaw sa Bibliya ang isang kilalang male personality. Maraming nagkokomentong bumabawi siya sa mga nakara-ang hindi kagandahan niyang ginawa na nakapanakit ng kanyang kapwa.

Naging palalo kasi ang male personality na ito, isa rin siya sa mga personalidad na nag-akalang may forever ang kanyang career, akala niya ay sumisikat lang ang araw at hindi lumulubog sa gabi.

Isa siyang singer na natutukan ng mga ilaw at came-ra nu’ng kanyang kapanahunan, nakilala siya sa atakeng kanyang-kanya lang, lumaki ang kanyang ulo.

Kuwento ng isang source, “Marami siyang atraso sa mga kasamahan niyang singers. Hindi naging maganda ang pakikipagtrabaho niya sa mga singers na kinukuha niya para sa bar niya.

“Tactless pa siya, salita siya nang salita ng kung anu-ano na akala niya siguro, e, hindi makararating sa mga sinisiraan niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Depensa ng mga dati niyang kasamahan ay dati namang maayos ang male singer, nagbago lang ang kanyang ugali nang magkaroon siya ng bisyo, naging negang-nega siya.

Patuloy ng aming source, “Napakalaki ng ipinagbago niya nu’ng magkabisyo siya. Lahat na lang, e, pinakikialaman niya! Palagi siyang nega, kaya maraming nagagalit sa kanya.

“Masyado siyang maepal, palagi siyang may pintas sa mga co-singers niya, wala siyang pinalalampas! Pinaliit niya ang mundo niya.

“Ang akala niya siguro, e, habampanahon siyang nand’yan, kaso, nagbabago ang taste ng tao, kaya napag-iwanan siya. Bumabawi siya ngayon, kaya panay-panay ang padala niya ng mga Bible verses.

“Napag-isip-isip niya siguro na marami na siyang nasasaktan, hindi na niya mabibilang ang mga taong hindi nagkakagusto sa kanya.

“Sana nga, e, nagbago na siya at hindi trip-trip lang ang mga ginagawa niyang pagpapadala ng Bible verses ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Maraming kapangalan ang male singer na ito, mga sikat na artista, isa na ang guwapong aktor na mayor ngayon sa isang siyudad sa isang malayong probinsiya.

Ubos!

John nakasuwerte nang lumundag

Kahapon nang umaga ay kausap namin ang isang dati naming katrabaho sa ABS-CBN. Maganda ang kanyang posisyon sa network, may katungkulan siya sa produksiyon ng maraming programa sa ABS-CBN, inaatake siya ng nerbiyos habang nag-uusap kami.

Intindido namin ang kanyang damdamin, nakara-ting kasi sa kanilang mga empleyado ng istasyon na pagbobotohan na ng mga kongresista kung bibigyan ba sila ng prangkisa o talagang hindi na.

Ang kanyang sabi, “Kung talagang hanggang dito na lang kami at walang pag-asang makakuha ng franchise ang network, kaming lahat, damay sa mga mawawalan ng trabaho.

“Ano pa ang gagawin namin, kung wala na rin namang mga shows na ipo-produce dahil sarado na nga ang network?” emosyon ng aming anak-anakan.

Ganu’n din ang nararamdaman ngayon ng mga artista ng ABS-CBN, ma-titigang talaga ang kanilang bulsa, malalagay sa masikip na sitwasyon ang kanilang kabuhayan.

Masuwerte ang ibang artistang nakalundag na agad sa GMA-7, may kapanatagan ang kanilang kalooban ngayon, tuloy ang kanilang trabaho.

Kuwento ng isang source namin, “Naku, nu’ng lumipat du’n si John Estrada, e, maraming taga-Dos ang nagsabing nasa kama na raw siya, e, lumipat pa sa sahig!

“Paano nga ngayon? Nagkabaligtad na ang sitwasyon! Sino ba ang mag-aakalang mangyayari pala ang ganito sa number one network na sinasabi nila?” sabi nito.

Harinawang mapagbigyan ang network, ‘yun ang hiling ng marami nating kababayan, magsilbing leksiyon na lang daw sana ang senaryong ito pero kailangan nating bigyan ng pagkakataong maitama ang mga nasilip na kakulangan nila.

Totoong mas matinding problema ang COVID-19 na sumasalakay sa buong mundo, nagkataon lang na nasentro ang ating atensiyon sa problema ng ABS-CBN, dahil bahagi na ng pang-araw-araw nating buhay ang mga palabas ng istasyon.

Kung negatibo man ang maging resulta ng botohan sa Kamara ay huwag pa rin sanang alisin sa puso ng mga masasagasaan na hindi lang naman ang ABS-CBN ang mundo.

Mas malawak ang mundo sa labas ng istasyon. Mahirap lang tanggapin dahil kakambal ng sitwasyon ang kanilang kabuhayan pero palaging may pag-asa.

‘Yun ang katangiang huwag na huwag nating ipaagaw kahit kanino. Laganap ang pag-asa sa buhay na ito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with