^

Bansa

K-12 grads gawing COVID contact tracers

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
K-12 grads gawing COVID contact tracers
Iginiit ni Senator Win Gatchalian, na mas mapapabilis ang pag- isolate sa mga carrier ng virus lalo na ngayong lumuwag ang lockdown kung kukunin ang mga bagong gra­duates ng K to 12 bilang contact tracers.
Senate PRIB

MANILA, Philippines  — Iginiit ni Sen. Win Gatchalian sa gobyerno na sanayin at kunin na contact tracers ang mga K to 12 graduates para sa paglaban sa COVID-19.

Iginiit ni Gatchalian, na mas mapapabilis ang pag- isolate sa mga carrier ng virus lalo na ngayong lumuwag ang lockdown kung kukunin ang mga bagong gra­duates ng K to 12 bilang contact tracers.

Bukod dito, magiging oportunidad din umano ito para magkaroon na sila ng mga trabaho.

Matatandaan na noong Mayo, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na na­ngangailangan sila ng 94,000 contact tracers para matugunan ang ideal ratio na isa kada 800 tao.

Bagama’t nire-require ng DOH na ang contact tracer ay dapat gra­duate ng isang katulad na me­dical course, umapela naman si Gatchalian na maging flexible para i-accommodate ang K12 graduates at tularan ang Estados Unidos na ang mga contact tracers ay hindi naman college degree holders.

Sa ganitong paraan umano ay mabibigyan na ng trabaho ang mga kabataan na vulnerable ngayon at mapipigilan na rin ang pagkalat ng virus sa bansa.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with