^

Bansa

9 babaeng preso sa Pasay jail, positibo sa COVID

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na babaeng bilanggo sa Pasay City jail ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa ulat kahapon, sinabi ni Jail Superintendent Editha Balansay na ang 9 na babaeng preso ay pa­wang­ may mga kasong iligal na droga ay kabilang sa 129 PDLs na sumalang sa swab test na isinagawa ng Pasay City Health Office noong Biyernes (Hulyo 3), sa utos ni Mayor Emi Rubiano-Calixto.

Ang siyam na nagkakaedad ng 23 hanggang 53 na pawang asymptomatic ay ipinalipat na sa COVID-19 Isolation Center (CIC) sa Payatas, Quezon City, para ihiwalay sa mga kasamang bilanggo na may kabuuang 340 sa Female Dormitories ng Pasay City Jail.

Nakatakda ring isalang pa sa swab tests ang nasa 211 female PDLs.

Noong Hunyo 24, 2020 nang isang babaeng PDL ang nagpositibo matapos ang swab test at dinala siya sa Cuneta Astrodome para sa 14 na araw na quarantine dahil siya ay asymptomatic.

Dahilan ito para iutos ni mayor Emi ang pagsasa­ilalim sa swab tests sa 340 babaeng preso.

Ipinagbawal na rin sa Pasay City Jail ang pag-aabot ng kanilang mga kaanak ng pagkain habang matagal nang ipinagbawal ang mga dalaw na posibleng dahilan umano ng pagkakahawa kaya nakakuha ng virus ang mga nakakulong.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with