^

PSN Showbiz

TV5 may bagong investor / partner!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
TV5 may bagong investor / partner!

May chance pa naman daw matuloy ang Love Life with Kris kasi deferred, as in postponed pa lang naman diumano at hindi pa totally shelved ayon sa isang insider ng TV5. Pero wala diumanong nakakaalam kung kailan ito matutuloy.

Anyway, as of presstime, confirmed na may papasok na bagong partner ang TV5 pero wala pa raw nagaganap na pirmahan ng contract. Ang bagong partner na ito ang magpo-provide ng entertainment contents ng network ayon sa isang reliable source.

Makikipag-negotiate na sila sa mga manager ng ibang artista at may pinag-uusapan na raw silang mga programa pero wala pang definite.

Well, may mga target na silang artista pero bawal pa raw pangalanan at namimili pa sila kung sino na ang malakas sa viewers. Pero priority diumano ng bagong partner ng TV5 ay mga established na to create a buzz daw muna.

At saka na sila diumano gagawa ng mga iba pang shows with less stars pag naka-establish na sila.

Basta, malaking producer ito and I doubt kung matatanggihan ito ng ibang artista na as of presstime ay suspended na ang contract sa ABS-CBN.

Tulad nang sinulat ko, ang ABS-CBN talent arm pa rin naman nilang Star Magic ang magha-handle at magni-negotiate sa mga producer na kukuha sa mga artista nila ayon pa sa source.

Though baka nga nasa denial stage pa ang ibang artista at hindi sila basta-basta tatanggap ng work outside ABS-CBN.

Anyway, wait natin ang official announcement dahil definitely magaganap ang changes sa TV5 within this year at this week daw naka-schedule ang meeting   ng bagong partner ng network na hindi raw babaguhin ang pangalan.

Iba pang katrabaho under observation

Isang aktor at staff ng dalawang teleseryeng naka-lock in, nag-positive sa COVID?!

Hindi lang diumano ang lightman at isang aktor ng isang teleserye ang nag-positive sa COVID-19 habang naka-lock-in sa taping ayon sa chika ng isang source kahapon.

Maging sa taping ng isa pang teleserye ay may nag-positive din diumano pero itinuloy ang taping.

Pero ang seryeng nahawa raw ng virus ang lightman at isang aktor ay na-pack up na ang taping dahil sa mismong motel diumano nahawa dahil may ibang guest din daw ang nasabing motel.

Naka-confine na raw ang staff at isang aktor ng sikat na teleserye at meron pa raw ibang staff na under observation.

Ang duda naman ng source sa isa pang serye na may nag-positive din ay baka support staff lang ito kaya hindi pinapack-up ang taping.

Dobleng ingat talaga ang kailangan dahil hindi mo alam kung

saan ka puwedeng mahawa ng nasabing virus kahit anong ingat ang gawin mo.

Piolo magsasalita pag-akyat sa Sagada

Magbibigay daw ng official statement sina Direk Joyce Bernal and Piolo Pascual anytime now tungkol sa pagkakasangkot ng pangalan ng aktor sa pagtanggi ng Sagada at Banaue na mag-shooting sila para sa SONA ni Pangulong Duterte sa July 27.

Sumama lang daw talaga ang aktor sa shooting at hindi siya part ng project. Inaayos lang daw ang statement bago ito i-release.

Hamon sa dating PA na nagsumbong kay Tulfo’

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with