^

PSN Showbiz

Hirap ng ikakasal sa gitna ng lockdown ipapakita sa bagong pelikula

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kuwento ng walang hanggang pag-ibig na susubukin ng tadhana sa gitna ng quarantine ang matutunghayan sa Wedding Dress: For Sale, ang pinakabagong kuwentong handog ng PILIKula na magkakaroon ng exclusive digital premiere para sa piling fans sa July 13 (Lunes).

Kilalanin sina Lalaine at Paul, ang magkasinta­hang naudlot ang kasal matapos ideklara ang lockdown dulot ng pandemya. Naubos ang kanilang pera para sa kanilang sana ay espesyal na araw, kaya si Lalaine ay napagdesisyunang ibenta na lang ang kanyang traje de boda upang kahit papaano ay mabawi ang kanilang ginastos. Ngunit tututulan ito ni Paul, at sinabing itabi na lang ito para sa panahong matuloy na ang kanilang kasal.

Uusbong ang pagtatalo ng dalawa dahil sa magkaiba nilang pananaw na susundan pa ng ibang problema at mag-iiwan ng katanungang kung dapat pa ba nilang ituloy ang kanilang relasyon o isuko na lang.

Kasama sa Wedding Dress: For Sale sina Diana Mackey, Brian Gocheco, AC Sangab, Reign Parani, at Camille Sandel.

Sa mga nais na maging isa sa mga pinakaunang makakapanood sa digital short film, maaaring bumili ng tickets sa ktx.ph sa halagang P1,000 (SVIP) at P700 (VIP). Sa mga bibili ng SVIP ticket, bukod sa mapapanood nila ang unang tatlong episodes ng palabas at makakasama sa isang zoom party ang cast, magkakaroon din sila ng pagkakataon magkaroon ng one-on-one chat kasama ang paborito nilang cast.

Samantala, may kapangyarihan ang fans iboto kung matutuloy nga ba sa “I do” o “I don’t” ang kasal nina Lalaine at Paul.

Para bumoto, pumunta lamang sa KUMU app (kumu.ph/starhunt) at piliin ang gustong susunod na eksena gamit ang mga espesyal na stickers. Ang mabubuong kwento ay ia-upload sa ABS-CBN Entertainment page at oks.abs-cbn.com.

Kasama ang PILIKula sa humahabang listahan ng digital content ng OKS (Online Kapamilya Shows).

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with