Grupo ni Piolo, tinanggihan din sa Banaue?!
Piolo
STAR/ File
Grupo ni Piolo, tinanggihan din sa Banaue?!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

Hindi lang sa Sagada…

Owww, hindi lang diumano sa Sagada tinanggihan ang grupo nina Direk Joyce Bernal and Piolo Pascual.

Pati raw sa Banaue ay hindi rin sila pinayagan ng local government doon na mag-shoot bilang bahagi ng health protocols (para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19) na pinatutupad sa nasabing lugar.

Ayon daw kasi sa executive order ng Banaue, pinagbabawal pa ang pagta-travel papasok at palabas ng Banaue hanggang July 10 sabi sa kumalat na chika kahapon.

Inihatid pa diumano ang grupo ni Piolo ng police escorts na ibinigay ng LGU hanggang sa boundary ng nasabing tourist destination kung saan dumiretso nga raw ng Baguio ang grupo nito.

Well, siguro nga ay dumaan sa tamang health protocols ang grupo ni Papa P bago sila nakapaglagi sa Baguio.

Nauna na ngang tinanggi­han ang grupo nina Papa P sa Sagada na magso-shoot daw sana ng support video para sa SONA ni President Rodrigo Duterte.

Wala pang official statement na nilalabas si Papa P tungkol dito hanggang kahapon.

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with