Kumpirmado, love life ni Kris inayawan ng tv5
Kris
STAR/ File
Kumpirmado, love life ni Kris inayawan ng tv5
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

Kumpirmadong tsugi na agad ang Love Life with Kris ni Kris Aquino sa TV5. Yup, as in hindi pa man nagsisimulang ipalabas, tsugi na agad.

Ang rason, hindi raw nagkasundo ang producer ng programa at TV5 executives ayon sa chika ni Nay Cristy Fermin sa Take It… Per Minute, Me Ganun! (episode 60) kahapon.

Yup, ayon sa nakara­ting na chika kay Nay Cristy, ‘politics’ ang dahilan na kapareho diumano sa nangyari nang subukang pumasok ni Kris sa GMA 7.

‘Yup, meron daw mga hindi na-reconcile sa negotiations.

Deactivated ang Instagram account ni Ms. Kris as of yesterday. Pero active ang Facebook account niya.

Nag-start na sanang mag-promote si Kris ng nasabing show.

“Can I be your #SATURDATE? please save the date? #SOON,” ang upload niya last July 4. “There’s nothing better than giving yourself a new beginning...” ang caption niya pa sa isa pa niyang post.

Obvious pa namang pinaghandaan talaga ni Kris ang nasabing pagbabalik niya sa TV dahil nga ang ganda ng mga ginagamit niyang photos for promos nito.

Last June nang magbigay si Kris ng idea para sa nasabing show. ‘Yun pala wala pang contract between her management group and TV5.

Anyway, baka talagang pang-digital ang comeback ng mahusay na host.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng TIPMMG kahapon, maki-Team Replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at maaliw sa mas marami pang chika nina Manay Cristy, Manay Lolit Solis and Mr. Fu

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with