Alex
Star/ File
Alex, sinusulit ang oras na kasama ang magulang bago pakasal
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

Malaki ang pasasalamat ni Alex Gonzaga sa mga magulang dahil ang mga ito ang kasama sa loob ng apat na buwan habang ipinatutupad ang community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Malapit na rin kasing magpakasal ang aktres sa kasintahan na si Mikee Morada kaya sinusulit niya ang bawat oras na kasama ang ama at ina. “Naging way ito para siyempre for the longest time lagi kang umaalis dahil may work ka. So ngayon mas naging close ka sa parents mo, sa bahay mo. Na-observe mo kung ano ang mga hindi mo napapansin. At the same time, siyempre engaged na ako. Ito ‘yung parang last moments in my singleness na kasama ko ang parents ko at nae-enjoy ko talaga,” pagbabahagi ni Alex.

Isa ang aktres sa mga artistang may pinakamaraming followers sa social media. Malapit nang pumalo sa walong milyon ang subscribers ni Alex sa sarili nitong YouTube channel. Nagpapasalamat ang dalaga dahil kahit nasa bahay lamang ay nakapagtatrabaho pa rin sa ngayon. “Marami pa rin tayong trabaho. Mayroon ka pa ring kailangang i-post. We are very blessed ngayon as entertainers na kahit nangyari itong sitwasyon na ito (covid-19 pandemic) ay mayroon tayong kanya-kanyang platform at mayroong internet para at least may chance pa rin tayong maka-connect sa ating supporters. At the same time ay pwede pa rin tayong magkaroon ng income kasi nga pwede pa rin tayong makapagtrabaho. At least nagkakaroon tayo ng way kahit paano magkaroon ng income and makatulong rin tayo. We are blessed, so we should be a blessing to other people also,” paglalahad ng aktres.

Yam, sanay noong tawaging sexy starlet

Bago nakilala bilang isang aktres ay nagsimula muna si Yam Concepcion bilang drummer ng bandang Ursa Minor. Malaki ang utang na loob ng dalaga kay Claire dela Fuente na siya raw nakapansin sa kanya noon. “’Yung guitarist namin umalis sa banda namin. Tapos si Monty Macalino, vocalist of Mayonnaise, he joined our band. So naging four-piece band kami. Tapos sabi ni Monty, ‘Meron akong single, gusto mo bang maging leading lady ko doon for a music video?’ O sige, why not wala naman akong ginagawa. Nag-star ako sa music video nila na Sinunga­ling. Doon ako na-discover ni Claire dela Fuente sa music video. She connected me to Viva,” pagdedetalye ni Yam.

Ipinakilala bilang sexy actress si Yam bago pa tuluyang napasabak sa paggawa ng mga proyektong drama ang tema. Mas sumikat ang aktres nang gampanan ang karakter ni Jade sa teleseryeng Halik noong 2018. “Lahat ng roles na nakukuha ko puro pa-sexy so automatically ‘yung impression doon, ‘Sino itong sexy starlet na ito? Masyadong naghahanap ng attention para makapasok sa indutriya.’ Ganun ‘yung impression nila. It wasn’t overnight kasi ang dami ko ring pinagdaanan until nakuha ko ‘yung role sa Halik. That’s why I am very grateful and I feel like everything happens for a reason. Talagang little by little mararamdaman mo. Mas mapi-feel mo ‘yung mga wins kapag na-experience mo ‘yung pinakamababa hanggang you work your way up. Mas ma-appreciate mo ‘yung trabaho,” pagbabahagi ng aktres.

Isa ngayon si Yam sa mga bida ng teleseryeng Love Thy Woman kasama sina Kim Chiu at Xian Lim. (Reports from JCC)

MIKEE MORADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with