Magso-shoot sana para sa SONA grupo ni Piolo ni-reject sa sagada!
Ouch, hindi pinapasok ang grupo ni Direk Joyce Bernal ng local government ng Sagada para mag-shoot para sa SONA ni President Rodrigo Duterte.
At kasama sa grupo ni Direk Joyce, si Piolo Pascual.
Ayon sa kumalat na chika kahapon, mahigpit ang pagpapatupad ng quarantine protocols sa nasabing probinsiya kaya diumano kahit may sulat pa from Malacañang, tinanggihan silang papasukin ng mga opisyales sa nasabing tourist destination.
Bukod pa diumano sa suspension ng operations ng mga hotel doon kaya walang puwedeng tanggaping bisita kahit mga sikat pa from other areas, nag-iingat daw talaga sila roon na magkaroon ng COVID transmission. Eh more than 10 pala ang grupo ni Direk Joyce na tumatayong manager na rin ni Piolo.
Owww, bongga rin si Papa P. Habang ang ibang mga artista ay critical sa kasalukuyang mga issue particular na sa Anti-Terror Bill na isa nang batas, wow, hindi nawala ang suporta niya kay President Duterte.
- Latest