^

PSN Showbiz

Inayawang serye nina Julia at Nadine, mag-uumpisa na ng taping

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

So, Ateng Salve, kung hindi pala kahapon ay ngayon na ang resume ng taping ng Walang Hanggang Paalam (dating Burado) na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Arci Muñoz (na dalawa sa nadagdag sa cast pagkatapos umayaw nina Julia Montes at Nadine Lustre) at iba pa.

Kung noong una ay napabalitang sa Bacolod sila maglo-location muna sa phase one ng balik-taping nila, ngayon ay nabago na ‘yon.

Sabi, sa may bandang Subic (meron ding nagsabing sa may La Union) na ang taping nila.

 Masyado raw kasing malayo ang Bacolod at kailangan pang mag-plane.

Kahapon nga ay nag-swab test na raw ang karamihan sa mga artista at dumiretso na rin daw sa Subic.

At least, ang bongga rin ng ABS-CBN dahil kahit wala ang Channel 2 nila sa free TV at sa Kapamilya Channel lang sila sa cable at satellite, plus iWant app at TFC (The Filipino Channel) ay umaariba naman ang tapings ng ilang shows nila, huh!

Affordabox, pinangre-regalo

Ang bongga rin ng GMA Affordabox (Digital TV Receiver) dahil simula nang i-release ‘yon sa market ay napakabili!

May mga kilala ako na hindi lang isa kundi ilang box ang binili at maganda raw pang-gift.

Bale P888 lang kasi ‘yon kaya marami ang namumurahan at can afford nga raw ba gawing pang-gift!

Nice!

Matsika sa press...

Nag-text ako kay Angelika dela Cruz para mag-condolences sa pagpanaw ng tatay nila ng kapatid na si Mika, si Daddy Ernie.

Noong bago pa lang sa showbiz si Angelika, palagi niyang kasa-kasama si Daddy Ernie.

Matsika sa entertainment press si Daddy Ernie at marami talaga siyang naging ka-close.

Noon nga ay inimbitahan pa ako ni Daddy Ernie na dumalaw sa bahay nila sa Malabon.

Enjoy ring katsikahan si Daddy Ernie dahil masayahin din siyang tao.

Anyway, nang mag-text ako kay Angelika ay kaagad naman siyang nag-reply at nagpasalamat.

To the family of Angelika and Mika, our condolences.

Aktres natanggal na ang takot sa taping

Sa Zoom meeting ng isang teleserye kamakailan, quiet lang pala ang isang aktres na kasama sa cast at medyo hesitant na magbalik-taping.

Hindi lang daw naging vocal tungkol sa bagay na ‘yon si aktres, pero dahil nga sa COVID-19 pandemic, takot pa rin daw siyang magbalik-taping.

Pero nang makausap daw ng isang taong malapit sa kanya si aktres at ipinaliwanag na may protocols namang ipinatutupad at talagang sinisigurado ng production ang health safety ng lahat at dapat magpasalamat na may work pa rin siya, nag-agree na rin daw si aktres na mag-taping uli.

Sa dami nga naman ng walang work ngayon sa showbiz, suwerte talaga ‘yung mga nagbalik sa taping, huh! ‘Yun na!

 

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with