^

Police Metro

DILG Usec. Densing positibo sa COVID-19

Mer Layson - Pang-masa
DILG Usec. Densing positibo sa COVID-19
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Epimaco Densing III na nagpasya siyang ipabatid sa publiko ang kanyang kalagayan bilang bahagi ng obligasyon nito bilang public official sa ilalim ng public health emergency.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Operations Epimaco Densing III na positibo siya sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Densing na nagpasya siyang ipabatid sa publiko ang kanyang kalagayan bilang bahagi ng obligasyon nito bilang public official sa ilalim ng public health emergency.

Ayon kay Densing, noong nakaraang Hunyo 27 ay nagkaroon siya ng lagnat at ubo kaya’t hindi na siya nakadalo ng kanilang pulong dahil sa masamang pakiramdam.

Kaagad aniya siyang nagpasailalim sa COVID-19 testing at natukoy ang positibong resulta ng pagsusuri nito lamang Sabado (Hulyo 4) ng umaga. Kasalukuyan na aniya siyang nasa pagamutan at maayos naman ang tugon ng kanyang katawan sa mga gamot na ibinibigay sa kanya.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman si Densing na gagaling siya kaagad at makakarekober mula sa virus at malalampasan ang bagong hamon na kanyang kinakaharap.

vuukle comment

EPIMACO DENSING III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with