^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag itapon sa kung saan-saan ang face masks

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag itapon sa kung saan-saan ang face masks

MARAMI ang walang disiplina at mangmang sa kalinisan. At ang kawalan ng disiplina at kamangmangan ang naghuhulog para mapahamak. Ngayong nanalasa ang COVID-19 sa bansa, lalo pang lumutang ang kawalan ng disiplina at grabeng kamangmangan. Nakita ito sa walang patumanggang pagtatapon sa kung saan-saan ng mga ginamit na face mask. Sa halip na ibasura o itapon nang maayos sa isang lalagyan, kung saan-saan na lang itinatapon at karamihan ay makikita sa kalsada.

Kung tapon lamang nang tapon ng masks at iba pang ginamit o sinuot na pamproteksiyon maaaring kumalat nang kumalat ang virus. Wala nang paghupa ito at maraming mahahawahan ng virus. Ang mga ginamit na disposable single-use masks at iba pang protective equipment ay nararapat nakahiwalay sa ibang mga lalagyan at itatapon nang maayos. Ang hindi maayos na pagdi-dispose ng mga ito ay maaa-ring maging dahilan nang pagkalat ng virus. Ang virus ay nagtatagal sa masks at iba pang protective equipment ng siyam na araw kaya posibleng dito magmula ang pagkalat ng sakit.

Kapansin-pansin ang mga nagkalat na single-use face masks sa kalsada sa maraming lugar sa Metro Manila. Dalawang dahilan kung bakit maraming nagkalat sa kalsada: una, maaaring itinapon ng mga walang disiplina at mangmang; at ikalawa, maaaring nalaglag sa mga garbage truck at walang pakialam dito ang mga basurero.

Halos araw-araw ay may mga used face masks na makikita sa mga kalsada at tinatangay-tangay ito ng hangin kapag may dumaan na sasakyan. Kung may COVID-19 ang nagsuot ng mask, tiyak na patalun-talon din ang virus na taglay. Wala itong tigil sa paglipat-lipat.

Nagbabala ang mga environmentalists na ang hindi maayos na pagdi-dispose ng mga single-use face masks ay mako-contaminate ang kapaligiran at magkakaroon ng sakit ang mga tao. Ang mga itinapong face masks ay source ng infection. Marami ang nakakakuha ng sakit sa mga itinapong face masks at iba pang protective gears.

Maraming magkakasakit kapag hindi nagkaroon ng disiplina at talino sa pagtatapon ng ginamit na face masks. Halos alam naman ng lahat na bawal ang basta magtapon ng mga bagay na ginamit na lalo pa ngayong may pandemia. Maski bata ay nalalaman na hindi ito maganda. Paigtingin ng pamahalaan ang paghihigpit laban sa mga pasaway na nagtatapon ng basura.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with