Willie
STAR/ File
Mga tumutulong ng tahimik, binabayaran ng langit!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

Alam mo na sincere at totoo ang pagtulong ng isang tao,  pag hindi mo naririnig mula sa kanya ang ginawa niya. ‘Yung tipong mabibigla ka na lang malaman na isa pala ‘yung tao na iyon sa tumulong.

Pero kung may mga taong hindi nagsasalita tungkol sa ibinigay niya, meron din naman mga tao na paulit-ulit ikinukuwento kung ano at magkano ang ibinigay.

Ngayon ko naisip na kahit minsan pala hindi ko narinig magkuwento si Mang Dolphy, Vic Sotto at Bong Revilla, kung sino ang mga humingi sa kanila ng tulong at tinulungan nila.

Never nilang nabanggit kahit kailan kung sino ang nabigyan ng tulong.

Mayroon kasing iba na halos kahit sino ang kausap ang laging kuwento ay iyong binigyan niya ng ganito at ganoong tulong. Para tuloy hindi naman bukal sa loob niya ang pagbigay ng tulong, iyon bang nagbigay lang pero para lang may maikuwento.

Sa panahon ngayon, si Dingdong Dantes at Marian Rivera ang alam ko ay maraming tinutulungan pero hindi ipinag-iingay at walang nakakaalam.

Charity is not a news item, ginagawa ito dahil mula ito sa puso. Ang nagbabayad para rito ay ang langit.

So, be generous, but quiet.

Show ni Willie, pera ang sustaining power

Sa tuwing manonood ako ng Tutok to Win ni Willie Revillame parang napapagod ako? Para ba siyang kiti-kiti. At mabuti na lang, mayroon na siyang co-host ngayon na si Donita Nose kaya may kabatuhan na siya ng dialogue. Kasi nga hindi naman ganoon ka-wide ang conversation skills ni Willie kaya mayroong tendency na paulit-ulit lang ang mga salita at topic niya. Talagang kailangan niya ng bullet points para maibigay niya ang wider spectrum sa audience niya.

Pero ito rin siguro ang magic niya, ‘yung barok style na hosting, iyon bang pabara-bara lang na conversation kasi nagtatagal naman ang mga programa niya. Mayroon na siyang tatak, plus the fact na marami ang papremyo, kaya nakatutok talaga ang manonood.

Pero mas maganda ng mayroon siyang co-host para may variety ang usapan at style, hindi ‘yung paulit-ulit ang naririnig mo malay mo baka pagsawaan din naman.

Saka dapat lagi talagang mayroong pera sa premyo, dahil ito talaga ang sustaining power ng programa. Iyon talaga ang sentro kung bakit nakatutok, para mag-win.

Coffee Project open na for dine-in

I was happy seeing Coffee Project back to life.

Ang tagal kasi nagsara, pero now tumatanggap na uli sila ng dine-in. Alam mo namang favorite hangout ito ng mga taga-GMA at ABS-CBN, dahil nga accessible at malakas ang wi-fi kaya ang dami rin ng students na doon na nagpapalipas ng oras.

Napakabait at accommodating pa ng staff kaya naman nakakatuwang mag-stand by sa loob ng Coffee Project.

Coffee and sweet baked camote, bongga, plus mga pasta nila, wow solve na ang pang-alis gutom.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with