Vice, hindi ma-imagine na mabubura ang comedy bars
Vice
STAR/ File
Vice, hindi ma-imagine na mabubura ang comedy bars
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay tuluyan nang nagsara ang ilang sikat na comedy bars na pag-aari ni Allan K dahil sa epekto ng krisis ngayon sa bansa na dulot ng COVID-19 pandemic. Isa si Vice Ganda sa mga labis na nalungkot dahil sa pangyayaring ito. “Nakakalungkot sa sitwasyon ngayon, walang choice ang mga comedy bar kung hindi magsara. ‘Yung Zirkoh, Klownz (ni Allan K) nagsara na. ‘Yung Punchline at Laffline nagsara na. Ang daming komedyante ang nawalan ng trabaho. At saka ‘yung legacy ng comedy bar parang ‘di ko ma-imagine na mawala na totally ang co­medy bar sa lipunan,” pahayag ni Vice.

Matatandaang sa mga comedy bar din noon nagtatrabaho at unang nakilala ang Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar bago pa sumabak sa show business. Maraming mga kasamahan at kaibigan si Vice ang patuloy na umaasang magpapatuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagpapasaya sa mga manonood.

Sa ngayon ay nagtutulung-tulong ang mga stand-up comedian upang makalikom ng pondo at makatulong sa mga kasamahang nawalan ng trabaho.

“Mayroon silang mga nakokolekta na mga donation pero hinahati-hati nila ‘yon para maitulong sa staff ng comedy bar, ‘yung mga waiter, ‘yung nasa valet, ‘yung mga cook. Kasi ‘yan, lahat ‘yan ay wala na. Wala naman silang mga online show kaya ‘yung mga bakla tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ang ibang staff,” paglalahad ng komedyante.

Kahit magkasama na sa bahay

Jerald hindi pa nangangako ng kasal kay Kim

Kahit magkasama na ngayon sa iisang bubong sina Kim Molina at Jerald Napoles ay hindi pa umano napag-uusapan ng magkasintahan ang tungkol sa kasal.

“Sa ngayon hindi pa napag-uusapan, pero ‘yung pakiramdam n’yo sa isa’t isa, siyempre mayroon ding alam mo ‘yung kapag medyo matanda na, may mga ganoon kang hirit. Pero hindi pa detalyado, hindi n’yo pa kailangang sunggaban. Kasi ‘yung sunggab walang malinaw na picture ‘yon for us. Parang it has to be specific, precise. Kasi siyempre troubleshooting also at future-proofing,” makahulugang pahayag ni Jerald.

“Bilang babae I think mararamdaman mo ‘yon sa partner mo kung, ‘Pakakasalan ba ako nito?’ So depende kasi sa usapan, mga pahapyaw. Si Jerald kasi mahilig siya sa mga bagay-bagay na basta na lang mangyayari. Hindi siya ‘yung manga­ngako, mas ma-effort siya. Naniniwala ako sa kanya sa parte na ‘yon,” dagdag naman ni Kim.

Ayon sa aktor ay mas naging matatag ang kanilang relasyon ngayong ipinatupad ang community quarantine dahil palagi lamang magkasama ang magkasintahan.

“Iba ang nagagawa ng usap. Mas naiintindihan n’yo ang iniisip at saloobin na bawat isa kapag nabo-voice out n’yo ang gusto n’yong sabihin. Mas naging honest kayo sa isa’t isa kasi di mo na bobolahin. Kasama mo na sa bahay,” paliwanag ni Jerald. (Reports from JCC)

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with