Gretchen
Instagram/Gretchen Ho
Gretchen Ho nawindang sa pagpapatigil sa umagang kwentuhan...
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

Hindi na uli mapapanood ang Kapamilya show na Umagang Kwentuhan ng Umagang Kay Ganda. Sa kanilang official social media account ay nagkaroon sila ng announcement kahapon.

“Mga Kapamilya, pansamantala po muna naming ititigil ang ating Umagang Kwentuhan dahil sa krisis na aming pinagdadaanan sa ngayon. Mula po sa bumubuo ng Umagang kay Ganda, maraming maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!”

Napa-react ang isa sa mga host ng programa na si Gretchen Ho : “This was the news that broke today. I just have no words for everything that’s been happening. We hope to see you again.”

Samantala, nagpasalamat ang ABS-CBN sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) at Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na parehong nagpahayag ng kanilang suporta sa network at umapela sa Kongreso na bigyan ng prangkisa ang network.

“Lubos po ang aming pasasalamat sa PAMI at OPM na ibinahagi sa ating mga mambabatas kung bakit dapat na magpatuloy ang paglilingkod namin. Patuloy kaming kumukuha ng lakas at inspirasyon mula sa aming mga kasamahan sa industriya at sa lahat ng taong aming pinaglilingkuran,” sabi ni ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes.

Sa pagdinig sa Kamara noong Martes (Hunyo 30), nakiusap sina PAMI president June Rufino at OPM president Ogie Alcasid na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN at binanggit nila ang mga naging kontribusyon nito at mga trabahong ibinigay sa mga artista at singer.

Kamakailan naman ay nagkasundo ang mga artista ng ABS-CBN at mga talent manager na bawasan ang talent fees sa mga palabas para tulungan ang network na makatipid habang hindi pa ito nakakabalik sa ere.

Ibinalik ng ABS-CBN ang ilang programa nito sa telebisyon sa pamamagitan ng Kapamilya Channel na napapanood sa cable at satellite TV. Kabilang sa mga ito ang FPJ’s Ang Probinsyano, A Soldier’s Heart, Love Thy Woman, Magandang Buhay, The Voice Teens, ASAP Natin ‘To, and It’s Showtime. Naglunsad din ito ng mga bagong palabas na Paano Kita Mapapasalamatan (Judy Ann Santos) at Iba ‘Yan (Angel Locsin).

Pero ang majority diumano ay malabo na talagang makabalik sa ere kahit walang ending dahil nga sa kasalukuyan ay terminated na lahat ng contract ng Kapamilya stars kaya puwede na silang tumanggap ng project outside the network ayon sa isang isang isang insider ng Channel 2.

GRETCHEN HO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with