Sharon idinisplay ang mga mamahaling relos
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

Busy ang career ni Sharon Cuneta sa social media.

Bukod sa pagsagot sa issues sa mga anak na sina KC and Frankie, nilabas naman niya kahapon ang Rolex watches niya bilang pang-inis sa kanyang bashers.

Dream come true sa actress ang mga nasabing relos. Bale tatlong Rolex ang inilantad ng actress sa social media.

“For every stab at my heart, a promise to myself of something new. In line: You, Daytona, the black one on the left,” ang caption niya sa dalawang Daytona rolex na hindi pare-pareho ang price pero definitely, hundreds of thousands ang halaga nito.

At mas bongga yung isa niyang suot na Rolex, may diamonds.

“You. They might never have you. Because they are bad people. But I love you! And >>> Am wearing you now,” sabi pa niya.

Disabled ang comment section kaya walang makapag-react sa nasabing post ni Mega.

Bukod sa luxury watches, flowers and food ang mga pino-post ni Ate Shawie lately kaya baka hindi na siya on diet ngayong nasa General Community Quarantine pa rin ang NCR.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with