Mga babaeng mayor, parang magkakapatid
Joy
Mga babaeng mayor, parang magkakapatid
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

‘Yung mga babaeng mayor siguro may bond of sisterhood din among them.

For sure lalo na ang young mayors like Abby Binay, Joy Belmonte, Lani Mercado at Andeng Ynares na pag nagkikita-kita at nagkakausap, from family matters hanggang politics ang pinag-uusapan nila.

Hindi naman halos nagkakalayo ang mga edad ng apat na mayors, kaya sure ako they feel a certain closeness with each other.

For sure din pag nag-chika-chika sila, hindi pure politics ang pinag-uusapan nila, kundi family matters at mga anak nila.

Ang sarap sigurong makinig sa kanilang private talks, girlie things away from politics, ‘di ba, Salve, mas juicy siguro ang pinag-uusapan nila ‘di bah!

Paglipas ng panahon, hindi na namamalayan

Alam mo talaga pag oldie ka na. ‘Yung pag bigla mong malalaman na ang mga inaanak mo sa binyag ay young adults na.

Like nagulat ako na isang basketball player na ang inaanak ko sa binyag na si Von Pessumal, ang anak naman ng dating GMA executive na si  Marivin Arayata na si Angelo, isang lawyer na, at ang anak ni Atty. Walter Young na si Win ay isang food entrepreneur na gumagawa ng sushi bake.

Imagine na ang mga sanggol na hawak mo noon habang binibinyagan ng priest, heto mga achiever na. Ganyan katindi ang panahon, iyon bigla mo silang makikita na malalaki na at magkakaroon na ng sarili nilang pamilya.

Nakakatuwa para sa isang ninang na makitang lumaki ang mga inaanak nila, you feel proud, you also feel na para silang mga anak mo na lumaking maayos.

Now, hindi na ikaw ang magbibigay sa kanila ng gifts pag Christmas, ikaw na ang hihingi, hah hah hah. Humanda sila, pupuntahan ko sila, joke, basta you will always be the second mother of your inaanak ‘di bah!

Deja vu….

Parang deja vu ako sa lunch natin sa Annabels, Salve, dahil nakita ko si Papa Deo Macalma at Señor Ed Pacheco. Iyon una kong pagra-radyo si Papa Deo at Joe Taruc ang mga kasama ko at malaking sakit ng ulo nila ako dahil sa katamaran ko hah hah.

Inaalok ako ni Señor Pacheco na sumali sa radio program niya, pero sabi ko hindi yata ako pang-radyo dahil gusto ko lang pasundot-sundot, hindi ko type maging regular. At medyo kaloka ako pag nag-radyo dahil walang preno.  Usually kasi, phone patch lang ako, kaya akala ko yung kausap ko lang sa phone ang nakakarinig sa akin kaso buong Pilipinas na pala ang nakikinig.

At kahit sa DZBB, kumporme sa mood ko ang pagsali ko kina Arnold ‘Igan’ Clavio at Ali Sotto.  I enjoy working with them, pero wala ang dedikasyon sa akin, pang-kiliti lang ako sa mga issues na baka sa kadaldalan ko mademanda pa ako, hah hah.

ABBY BINAY ANDENG YNARES JOY BELMONTE LANI MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with