Heart
Heart interesado sa local version ng CLOY
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

Maraming netizens ang nagkukumpara kay Kapuso star Heart Evangelista sa bida ng sikat na Koreanovelang Crash Landing On You na si Yoon Se-Ri. Bukod kasi sa parehas na sopistikada, hindi rin nagkakalayo ang physical appearance at ugali ng dalawa. Ikatutuwa naman ng fans ng naturang Korean drama na mismong si Heart ay gusto ring gampanan ang karakter ni Se-Ri kung sakaling magkakaroon ng Pinoy adaptation ang CLOY sa Kapuso Network.

“I’m not worthy but I love Crash Landing on You. Pero yeah, I still have a lot of dream projects in mind but I don’t know if I’ll be acting anytime soon. But I love anything Korean, or any remake, or any original concept na Korean-themed,” ani ni Heart.

Kahit na apektado rin ang kanyang trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic, nagpapasalamat pa rin ang Kapuso actress sa mga biyayang natatanggap nito. “Thank God I still have a lot of work. Of course, with social media, with YouTube, there are so many ways that I can inspire or express or get some content out,” dagdag pa ni Heart.

CRASH LANDING ON YOU HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with