Ryza buntis ng limang buwan
Ryza
Ryza buntis ng limang buwan
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

Wow, five months preggy na pala si Ryza Cenon.

At ang ama ng anak ng Kapamilya star, isang cinematographer, Miguel Antonio Cruz.

inisplay nga niya kahapon sa kanyang Instagram account ang kanyang malaking tiyan.

“It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. #prayeranswered #Godsgift #newjourney,” ang caption ng post ni Ryza.

Napapanood siya sa teleseryeng A Soldier’s Heart bago naganap ang lockdown.

Nagti-taping na ang nasabing serye at given na hindi na siya kasama.

Bukod dito, may dalawang pelikula rin daw siyang nasimulan sa Viva.

Sa GMA 7 nag-umpisa ang career ni Ryza.

Darna lilipad na uli, sa studio lang ang shooting

Tuloy pala ang paglipad ng pelikulang Darna.

At magre-resume daw ang shooting nito this month.

Yup, priority diumano sa mga gagawin ng Star Cinema ang nasabing pelikula na ang akala ng lahat ay naudlot na.

Ang baguhang Kapamilya star na si Jane de Leon ang bida sa Darna.

Pero sa studio na lang daw ang shooting at magiging strict sa health protocols dahil na rin parami pa nga ang kaso coronavirus sa bansa.

Ang tanong lang, kailan kaya maipalalabas sa mga sinehan ang Darna? Baka naman ihahabol sa Metro Manila Film Festival 2020? Meron ba?

RYZA CENON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with