Cherie Gil
Cherie Gil, magkakaroon ng online acting masterclass
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

Good news para sa lahat ng fans ng seasoned actress na si Cherie Gil dahil magkakaroon siya ng online acting masterclass ngayong buwan.

Naka-schedule ang Zoom class niya sa July 7, 9, 11, 14, 16, at 18 kung saan ibabahagi ng Kapuso actress ang mga natutunan niyang ac-ting methods sa loob ng 45 taon niya sa showbiz.

Aniya, “I created my own syllabus. Very personalized and shinare ko du’n ‘yung aking process. Hopefully, I’m able to productively engage them.”

For a good cause ang initiative na ito ni Cherie dahil mapupunta ang kikitain niya sa mga batang miyembro ng indigenous people. “This is an extension of Yakap Si-ning and I decided to focus on Save Our Schools Network, the Lumads and the children of Mindanao.”

Kwento pa niya, open din ang masterclass niya sa mga aspiring actor na nais magkaroon ng dagdag kaalaman sa pag-arte at nais maging productive habang patuloy na pinapatupad ang community quarantine sa bansa.

So chance na ito ng mga artista na kahit anong tagal na sa showbiz, waley pa rin emosyon ang akting.

Well, magkano kaya ang fee per session?

Mike kinalkal ang kalbaryo ng COVID

After bumalik sa radyo at sa 24 Oras, may iba pang inihahanda si Mike Enriquez dahil ngayong Hulyo, magkakaroon ng special episodes ang ating  Imbestigador ng Bayan.

Sa COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez, tatalakayin ni Mike ang mahahalagang isyung iniinda ng Pilipino sa gitna ng pandemya.

Isa na nga rito ang kalbaryo ng mga pasaherong walang masakyan papasok sa kanilang mga trabaho dahil sa limitadong mass transport system.

Looking forward kami na mapanood muli si Mike in his element na humihimay sa mga isyung tulad nito.

Aabangan namin ang two-part specials na ito, at sa July 11 na nga mapapanuod ang unang bahagi.

Solenn, abala sa uphill walking

Sa Instagram story ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff, masaya niyang ibinahagi na 3.5kg na lang ang kailangan niyang ma-lose para maabot ang goal weight.

Ilan sa mga exercise na ginagawa ni Solenn ay ang uphill walking, yoga, at bosu ball.

Nagpaalala rin si Solenn sa fellow mommies niya na ‘wag i-strain ang sarili kapag magwu-workout, “Listen to your body and avoid certain movements if you feel pain (ask your OB)”.

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with