Aksidente ni Maine, walang may kasalanan
Maine
Maine Mendoza, Facebook
Aksidente ni Maine, walang may kasalanan
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

Hindi naman nakita on the air ang nangyaring aksidente ni Maine Mendoza sa studio ng Eat… Bulaga.

Si Maine mismo ang nag-post noon sa kanyang social media account kaya lang lumabas kung ano ang talagang nangyari.

Sa video, naka-stand by sina Maine at Paolo Ballesteros sa isang parte ng set, siguro ay naghihintay sila ng instructions kung ano ang kanilang gagawin. Kitang-kita rin naman na nadulas si Maine doon sa railing ng isang maliit na hagdan na parte ng kanilang set. Hindi natantiya ni Maine ang dulo ng railing kaya nasubsob siya. Tinangka siyang saluhin ni Paolo, pero hindi na inabutan.

Kung pag-aaralang mabuti, walang kasalanan ang Eat… Bulaga sa nangyaring iyon. Hindi mo masasabing naaksidente siya dahil sa kapabayaan ng kahit na sino, o kakulangan ng pag-iingat sa parte ng producers. Siya mismo ang nagpadulas doon sa railing, at hindi niya natantiya. Naglaro siya sa railing eh, pero may mga first aider naman daw na mabilis na nakatulong. Pero ok naman daw kaya nagtuloy pa rin si Maine sa programa. Nagkaroon din siya ng kaunting galos.

Iba iyong sitwasyon ni Eddie Garcia, na isang aksidente talaga.

Iba rin ang nangyari noon sa show ni Kuya Germs na may isang artistang hindi sumunod sa blocking, tumuntong sa mahinang parte ng stage kaya siya nahulog. Para rin iyang kaso ni James Reid sa isang fashion show, na paikut-ikot kasi ng lakad, nalaglag sa platform.

Iyang mga ganyang sets, hindi mo maiiwasan na may mahinang bahagi. Hindi naman kasi mga permanent structure iyan eh. Pagkatapos ng show, kakalasin na iyan para palitan ng iba. Kaya talagang lahat hindi mo masasabing matibay talaga.

Allan K maraming napasikat na comedian

Nakakalungkot ang deklarasyon ng bankruptcy ni Allan K. Matagal niyang pinaghirapan ang kanyang ginamit na puhunan sa itinayong comedy bars. Palibhasa nagsimula rin sa mga sing along, noong sumikat at kumita nang malaki, gusto naman niyang makatulong sa mga baguhang stage comedians na kagaya niya, kaya niya itinayo ang comedy bar.

In fairness, marami naman ang sumikat sa mga comedy bar ni Allan K. Pero dahil nga sa lockdown, napilitan silang magsara, walang kita, tuloy ang gastos hanggang sa maubos na ang puhunan niya. Marami ang nalungkot, pero ganyan talaga ang negosyo.

Siguro naman darating ang isang araw na makakabawi pa si Allan.

ABS-CBN hinIhintay itama ang mga pagkakamali

Kailangan din nga siguro na gumawa ng reassessment ang ABS-CBN sa nangyari sa kanila, at kung may mali, itama na ang mga naging problemang iyon katulad sa kanilang sinasabi. Hindi magagawa ng National Telecommunications Commission ang closure order kung walang legal na batayan. Maaari namang itama iyan, at saka sila maghabol ng franchise.

Parang mali na rin iyong basta sabihing iniipit sila kaya nahihirapang kumuha ng franchise. Kung walang nakitang mali, hindi rin naman sila maiipit.

Hindi hopeless case ang ABS-CBN, naniniwala kaming muli siyang makakapag-operate, ang kailangan lang siguro ituwid muna ang mga nasilip na mali, at pagkatapos noon lahat iyan ay maibabalik na kagaya nang dati.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with