Vice
STAR/ File
Vice nagmamakaawa sa congress
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Sa comedy bar nag-umpisa si Vice Ganda na isa na ngayong bilyonaryo. Kaya naman kahapon ay nakikiusap na siya sa Congress na : “Nananawagan kami sa inyo mga Kongresista. Pakinggan nyo pa ang boses nya na punong-puno ng lungkot, pangamba at pagma­makaawa. Mahabag po kayo sa kapwa n’yo mga Pilipino. Magkakababayan po tayo. Wag nating gipitin ang isa’t isa.

“Kailangan namin ang suporta ninyo mga Kapamilya. Wag nating hayaang magdusa ang mga pamilya ng mga tuluyang mawawalan ng trabaho,” ang magkasunod na tweet niya kahapon.

Ang isa pang nanganganib magsara ay ang mga Family KTV bar and restaurant bar.

Kumalat kahapon ang post ng CenterStage Family KTV : “It is with a heavy heart to announce the permanent closure of CenterStage Family KTV in Jupiter, Makati branch, effective on June 30, 2020.”

Anyway, ang isa pang inaasahang malabo munang mag-operate bukod sa movie theaters ay ang mga gym. Mahirap din sa gym ang mag-operate dahil sa health protocols.

Alangan namang bawat gamit ng isang dumbbell halimbawa, papaliguan mo ng alcohol kasi hindi mo naman alam kung may virus ba ang humawak. So malaking dagdag na gastos ‘yun sa gym operators.

Kaya ang jackpot ngayon, ang mga supplier ng gym equipments, dahil workout from home na rin ang karamihan dahil takot pa ang lahat na mahawa sa gym.

Kahapon pa naman, 1,080 ang new covid cases. At ang total number of cases na sa bansa, 37,514.

Ingat everyone.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with