Kim
STAR/ File
Kim namigay ng pansit sa 1,500 families, nakaipon ng P300,000 sa Bawal lumabas...
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Kahit ano pa siguro pangne-nega kay Kim Chiu, ang bottomline, marami pa rin siyang natutulungan.

Sa kanyang social media post kahapon, ipinakita niya ang santambak na bag of goodies na ipinamigay ng kanyang team sa 1,500 families.

Nakaipon din siya ng P300,000 para sa mass testing na organized ng grupo ni Angel Locsin, ang Shop and Share.

Eh I’m sure ‘yung mga nagne-nega sa kanya wala namang natutulungan.

“Thank you po sa lahat ng sumuporta sa #bawallumabasmerch we were able to give sa 1,500 families and 300 thousand pesos for mass testing c/o shop and share!,” chika ni Kim sa Facebook and Instagram account niya.

Anyway, balik-taping si Kim sa Love Thy Woman, lock-in set-up.

Ang siste nga lang, kahapon ay nag-issue ng cease-and-desist orders ang National Telecommunications (NTC) na nag-uutos na itigil na rin ng network ang kanilang digital broadcast sa TVPlus sa Metro Manila at ang satellite broadcast nationwide ng SKY direct.

Ito ‘yung nasa Channel 43.

So paano na kaya ang mga programa na nagbalik na sa taping samantalang sila na lang nga ang masigasig na mag-taping sa kabila nang pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.

Comedy bars at family ktv, sarado na

Nadagdagan na naman ang jobless sa Pilipinas sa pagsasara ng comedy bars na Klownz at Zirkoh.

Yup, tuluyan nang magsasara ang naturang establishments na more than two decades ding pinagkakitaan ng gay performers at maraming pinasayang tao.

Naging venue rin ito ng maraming press conferences at album launchings kaya talaga namang nakakalungkot ang nangyayari.

Isa sa mga nagkumpirma nito si Phillip Lazaro na veteran sa comedy bars.

“Sa aking mga kasama at kapatid sa Klownz at Zirkoh, let us all say a little prayer for one another and hug each other in our hearts. Sa aming mga napatawa at napasaya sa mga lumipas na taon, the pleasure was definitely ours. Sa aming mga boss Sir Lito (Alejandria) at A.K. (Allan K.), thanks for the opportunity. Marami pong Salamat sa inyong lahat at sa uulitin. B O W.”

Malabo talagang makapag-operate ang mga comedy bar dahil sa social distancing at siyempre hindi muna priority ng mga tao ang gumastos sa kasalukuyan.

Mas magiging masaklap pa ang kapalaran ng mga stand up comedian kung tuluyang magsasara ang ABS-CBN dahil kahit paano nakaka-extra sila sa mga comedy show ng network.

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with