JM at Arci
STAR/ File
Buhay ni Arci, pinagagaan ni JM
SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Matalik na magkaibigan sina Arci Muñoz at JM de Guzman. Ilang mga proyekto na rin ang pinagtambalan ng dalawa.

Kahit kailan man ay hindi umano nabahiran ng malisya o hindi humigit pa sa pagiging kaibigan ang turingan nina Arci at JM  sa isa’t isa. “Kasi best friend ko eh, parang ang hirap kung pupunta kami sa gano’ng direksyon. Ang hirap na ibalik na ang ganitong klaseng relationship namin as friends. Best friend ko ito eh,” paliwanag ni Arci.

Para sa aktres ay isa si JM sa mga maituturing niyang isa sa mga lalaking malapit sa kanyang puso.

“Sobrang comfortable kay JM. Parang wala akong maitatago sa kanya. Kapag masama ang loob ko, siguro siya ang unang taong tatawagan ko bukod sa pamilya ko. Prangka po siya sa akin. Kung magsalita siya diretso sa puso. Siguro sa pagkakilala niya sa akin, nase-sense na niya kung bad trip ako kahit malayo pa ako. Nandiyan siya lagi para i-lead ako pabalik sa positibo. Thankful ako sa existence niya kasi napapagaan niya ‘yung buhay ko,” pagbabahagi ng dalaga.

Unang nagkakilala sina Arci at JM noong nag-aaral pa lamang sila ng kolehiyo sa Uni­bersidad ng Pilipinas. Aminado ang aktor na nagkaroon din siya ng paghanga kay Arci noong mga panahong iyon. “No’ng kabataan namin, crush ko po siya, no’ng college kami. Alam po niya ‘yon, feel na feel niya. Umaligid-aligid lang ako noon,” pagtatapat ni JM.

Mahigpit ang mga magulang ni Arci kaya noon ay hindi pa raw maaaring makipagrelasyon ang dalaga. “Hatid-sundo ako no’ng college. Bawal kasi kailangan makatapos ng pag-aaral. Mahigpit ‘yung daddy ko. Wala rin talaga sa isip ko mag-boyfriend noon,” kwento ng aktres.

Jake, maraming pinagsisihan

Maraming mga desisyon sa buhay si Jake Zyrus na kanyang pinagsisihan. Ayon sa singer ay halos hindi na niya mabilang ang mga maling desisyon na nagawa noon. “There’s so many, parang roller coaster na din po kasi. Sometimes iba naisip ko, I regret being discovered as Charice. Or minsan I wish na-discover na ito na ako para hindi ako nahihirapan. So many regrets, siguro po noong hindi ko pa nare-realize na ‘yung regrets na ‘yon will turn into something beautiful. Kasi di ba sometimes in our life parang masasabi mo na, ‘I regret doing this?’ But siyempre the more na marami akong na-experience sa buhay ko, the more na-realize ko na those regrets happened dahil do’n ko rin na-realize kung ano ba ako, kung sino ba ako, kung ano ang magagawa ko in the future,” paliwanag ni Jake.

Matatandaang nakilala sa iba’t ibang bansa ang singer bilang si Charice Pempengco. Kahit maraming pinagsisisihan ay masaya naman si Jake sa kanyang buhay ngayon.

“Sometimes maiisip mo siya na regrets but no. Hindi ko rin madi-discover kung ano ako ngayon if I didn’t go with this process. Hindi man beautiful ang tingin ng tao sa nangyayari sa akin ngayon, but to me it turned me into something beautiful, dahil nalaman ko rin ang mga taong totoo sa akin,” makahulugang pahayag ng singer. (Reports from JCC)

JM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with