Zoom hindi pang-senior!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Maaga akong nagising kahapon, Salve, dahil Tuesday. Hah hah forget ko na hindi nga pala puwede ang Zoom sa phone ko kaya hindi tuloy ang Take It... Per Minute, Me Ganun na sana ay dadalhin ni Mr. Fu ang signature hopia na promise niya at ang Chammie cookies na ibibigay sa atin ng anak ni Cristy.

KJ talaga itong iPhone 6 ko na kung bakit ayaw umandar sa Zoom o talagang feel ng phone ko na ayaw ko talaga kaya ayaw mag-cooperate hah hah. Hindi bale na nga, one Tuesday lang naman tayo mami-miss ng followers natin, balik na uli tayo sa Tuesday dahil accepted na ni Salve na hopeless case ako sa Zoom.

Miss you Japs, Tina, PJ at Richie, naku dalhin uli iyang hopia at cookies ko noh sa Tuesday!

Mga anak ni Mang Ramon sa lahat ng babaeng minahal, magkakasundo

Ililibing na bukas, July 2, si Mang Ramon Revilla. Sa family mausoleum nila ilalagak ang kanyang katawan katabi ng asawang si Azucena, nanay nila Bong Revilla.

Kahit pa nga masakit sa puso ng magkakapatid ang pagkamatay ng ama, sa 93 years nito ay malaking bonus na para sa kanila na mahaba ang panahon na nakapiling nila ito.

Sobra ang closeness ng magkakapatid, kahit pa nga iyong mga kapatid nila sa ibang naging bahagi ng buhay pag-ibig ni Mang Ramon. Basta para sa kanila, kapatid nila sa dugo ang mga ito, pare-pareho sila ng ama, kaya dapat magkakalapit sila at nagmamahalan lahat.

Paalam na Mang Ramon, at patuloy ninyong gabayan ang mga naiwan n’yong anak. Goodnight.

Carlo Katigbak nakakabilib, hindi KAYANG PIKUNIN

Alam mo, Salve, bow ako kay Carlo Katigbak ng ABS CBN. Kahit na very provoking ang mga pagtatanong ni Cong. Rodante  Marcoleta, smiling face pa rin siya. At imagine, kahit ang dalas ng hearing pero lagi siyang nandoon very sharp at attentive rin siya sa mga palitan ng tanong at sagot.

Pinaka-credible at articulate siya sa lahat ng nagri-represent ng TV station ha.

Actually mas articulate at understandable ang point niya kung minsan kaysa sa ibang abogado ha, bongga siya. Bagay na bagay makipag-repartee kay Cong. Marcoleta, hah hah.

Bow ako dahil pareho silang maliwanag sa puntos nila.

Nawala ang antok ko ha, kaya nabalik na naman inte­rest ko sa hearing, in fairness ha.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with