Sikat na actress-singer, hindi marunong tumanaw ng utang na loob
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Nu’ng hindi pa nakikilala ang isang female persona­lity, nu’ng hindi pa siya nananalo sa isang singing contest, ay madalas siyang magpunta sa pamilya ng kumpare ng kanyang ama.

Bukod sa mayaman na ang pamilya ay may koneksiyon pa sa media, madalas silang tumatambay sa opisina ng kumpare ng tatay niya, marami silang oras sa pagbababad du’n.

Pero nu’ng unti-unti nang nakikilala ang female personality ay dumalang na ang pagpunta nila sa opisina ng kumpare ng kanyang tatay, kinakapos na sila sa panahon, naging busy na kasi siya.

Kuwento ng aming source, “Pero matinding suporta ang ibinigay ng family ng kumpare ng tatay niya sa singing career ni ____(pangalan ng sikat nang actress-singer).

“May malaking connection sa media ang pamilya, kaya palagi siyang may publicity, talagang sinuportahan nang husto nu’ng kumpare ng tatay niya ang career niya!” simulang kuwento ng aming source.

Nu’ng lumaki na nang lumaki ang pangalan ng female personality ay halos hindi na sila makaalala ng kanilang pamilya. Kailangan pa silang kumustahin ng kumpare ng tatay niya para lang magkausap sila.

Ilang buwan pa lang ang nakararaan ay pumanaw ang kumpare ng kanyang tatay. Ipinaalam ‘yun sa kanilang pamilya.

Malungkot na sabi ng aming impormante, “Nakakalungkot ang mga ganu’ng kuwento, di ba? Nu’ng wala pang name, nandu’n sila palagi sa office ng kumpare ng father niya. Pero nu’ng sumikat na siya, nakalimot na sila.

“Pero ang pinakamasakit, e, nu’ng pumanaw na ang kumpare ng father niya. Maraming naghahanap sa kanya, kasi nga, alam ng mga nandu’n kung gaano kalaking suporta ang ibinigay sa kanya ng pamilya ng namatayan.

“Ilang araw ang lamay, hanggang sa mailibing na, e, hindi man lang siya nagparamdam. Maigsi ang memory niya. Nakalimot na siya sa nakaraan, nu’ng walang-wala pa siyang name na malaking suporta ang ibinigay sa kanya ng kumpare ng tatay niya.

“Wala talagang forever kahit sa pagkakaibigan. And forever is not enough!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pilay na mas pinipilay pa, TV plus, channel 43 may cease and desist order na

Nasubaybayan namin ang pagdinig sa Kongreso tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN. Pero nawindang kami sa daloy ng hea­ring dahil pati ang Kapamilya Channel at TV Plus at Channel 43 ay damay na rin sa usapin.

Kinukuwestiyon na rin ng mga kongresista ang operasyon ng mga naturang channel, ipinasasarado na ng mga ito, dahil nang ipasarado raw ang ABS-CBN ay ginawang palabigasan ng network ang mga nabanggit.

Nalagay sa mainit na upuan ang taga-NTC, bakit daw nila pinabayaang makapagpatuloy ang pagsahimpapawid ng istasyon sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, TV Plus at Channel 43?

Lumalabas na nakikiangkas lang diumano ang tatlong channels na ito sa prangkisa ng ABS-CBN na nagtapos na nga nu’ng Mayo 4 pa.

Ang ibang programa ng network ay sumasahimpapawid ngayon sa Channel 43 at sa TV Plus, may Kapamilya Channel din ngayon kung saan ipalalabas ang mga seryeng itine-taping na, kaya paano na ngayon ang mangyayari kung ipasasarado na rin pala ang mga ito?

Pilay na ay mas pinilay pa ang ABS-CBN. Ang tanging butas na nasisilip ng kanilang mga artista para magpatuloy na magtrabaho at kumita ay ipatitigil na rin pala.

Kung mauuwi sa ganu’n ang pagdinig ay walang ibang pamimilian ang pamunuan ng ABS-CBN kundi ang bumili ng airtime sa ibang istasyon. Maba-blocktime sila.

Armado sila ng mga sikat na artista, kumpleto sila sa mga kagamitang teknikal, oras at espasyo lang ang kailangan nilang magkaroon para magpatuloy ang kanilang negosyo.

Kalat na ang balitang nakikipag-usap ngayon ang mga ehekutibo ng ABS-CBN sa may-ari ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan. Bukas ang kanilang komunikasyon.

Biro ng kaibigan naming propesor, “Magiging number one network na kayo kapag natuloy ang pagba-blocktime ng mga shows ng ABS-CBN sa TV5.”

Napakasakit na biro. Sugat na sariwa at nagnanaknak. Wala talagang kahit sinong may hawak ng bukas.

Sino ba ang nag-akalang magiging ganito ang kapalaran ng ABS-CBN, ang tinaguriang number one network, ang dambuhala at makapangyarihang istasyon?

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with