Pelikulang Romang, mahirap kalimutan ang tama sa puso
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

Hindi talaga ako maka-get over sa suntok sa puso ko ng Korean movie na Romang.

Parang na-visualize ko talaga na ayaw kong tamaan ng dementia dahil ayaw kong ma­ging pasanin sa mga mag-aalaga sa akin. At lalong ayokong dumating sa ganung punto ang buhay ko.

So sad for an old person na wala na ngang magawa, magiging pasanin pa dahil mahirap alagaan sa pagtanda.

Mabuti kong kaya mong magkaroon ng personal caregiver, o kaya meron talagang matiyaga na mag-aalaga sa iyo, pero kung wala, pray mo kay God to give you a quiet, painless death, free from confusion and weary. Please God. 

Kris naghahanda na sa daily show?!

Marami na ang naghihintay ng pagbabalik sa TV ni Kris Aquino. Anuman ang putahe na ibibigay niya, for sure pinag­handaan niyang mabuti iyon.

Sana nga kaya na ng katawan at health niya ang hectic na trabaho sa TV lalo na at balitang everyday ang show na gagawin niya. Knowing na masyadong metikulosa sa trabaho si Kris, baka mapagod siya sa pag-aasikaso ng kanyang show.

But whatever, bago na naman excitement ‘yun para sa kanya at puwede rin makatulong para maging maayos ang pakiramdam niya, dahil nasanay siya sa ganyan sked at baka naman ‘yan ang cure na hinahanap ng katawan niya. Wish you triple luck Kris, break a leg, trabaho muna, para balik-excitement. Bongga na naman ang TV.

Tibay sa taping, susubukan sa lock-in

Alam mo ba ang dasal ko, Salve? Na sana walang magkasakit sa mga naka-lock-in taping. Kasi kahit ano pang ingat mo, hindi mo rin alam kung ano ang puwedeng mangyari. So sana, walang magkasakit dahil baka mag-panic ang lahat pag may nangyaring ganun.

Dito talaga masusubukan ang time management ng production at time saving ng isang director. Hindi na puwede iyon pitik-pitik na trabaho na tipong take your time. Kailangan ayusin mabuti ang schedules, na kung puwede sa loob ng one week lock-in, magamit ang apat na araw ng artista. Hindi naman puwede na naka-lock-in ka ng one week tapos isang araw lang ang taping, naku tiyak magkakaroon ka ng cabin fever nun.

Tiyakin mo na magagamit mo iyon artista mo ng mga apat na araw sa isang linggo, at pag natapos na lahat eksena niya, pauwiin na siya. Hindi puwede naka-stand by lang at naghihintay ng taping sa loob ng hotel, na ok kung 5 star, eh kung motel type, talagang cabin fever ang aabutin ng artista.

ROMANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with