Aktor na lantaran ang lovelife, pinababayaan ang anak na may pinagdaraanan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

Bina-bash na naman ang isang pamosong male personality dahil sa kawalan niya ng pakialam sa problemang pinagdadaanan ngayon ng kanyang anak.

Puro personal ang upak sa lalaking personalidad. Kinukuwestiyon ang kanyang pagiging ama, wala raw siyang balls, hindi siya nahihiya na ang ex pa niyang female personality ang kumikilos para sa kapakanan ng produkto ng kanilang pagmamahalan.

Kuwento ng aming source, “Mula sa pagkabata ng anak niya, e, kapos na kapos na talaga sa pagmamahal ang lalaking ‘yun! Puro sama ng loob ang ibinibigay niya sa bata.

“Mangangako siyang susunduin ang anak niya para ipasyal, pinaghahanda niya ang bata, pero hindi naman siya dumarating!

“Nagkakandatulog ‘yung bata sa kahihintay sa kanya! Palagi siyang ganu’n, mangangako, pero hindi naman siya tumutupad! ” umpisang kuwento ng aming impormante.

Mag-isang pinasan ng female personality ang pagpapalaki sa kanilang anak, nag-aral sa maayos na eskuwelahan ang bagets, wala siyang donasyon man lang para sa edukasyon ng anak niya.

“Nakakahiya siya! Nagpapa-interview pa siya tungkol sa lovelife niya, pero ang responsibilidad niya sa anak niya, wala!

“Hindi na siya nahiya! ‘Yung anak niya tuloy, e, walang masabi kapag tinatanong na tungkol sa father niya! Ano naman kasi ang maise-share ng bagets, e, ni hindi nga sila nagkikita?” naiinis pang sultada ng aming source.

May pinagdadaanang problema ngayon ang kanyang anak, pero ni hindi siya nagpaparamdam, ang ex-partner niya lang ang kasama ng kanilang anak sa pagharap sa problema.

“‘Yun na talaga ang the height! Hindi na siya nahiya, tablan naman sana siya ng kahihiyan! Mabuti pa ang boyfriend ng ex niya at concerned sa anak niya!

“Pero siya, ni anino niya, e, hindi man lang sumusuporta sa bagets! Naku, nakakaloka talaga ang lalaking ito!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue!

Ililibing sa huwebes...

Nalagasan na naman ng isang haligi ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ni da­ting Senador Ramon Revilla, Sr. sa edad na nobenta’y tres.

Ilang taon nang nakikipaglaban sa kanyang karamdaman ang beteranong aktor na mas kilala sa kanyang makasaysayang agimat.

Pero talagang ganu’n ang buhay, kapag tinawag ka na sa takdang panahon ay wala ka nang magagawa, tapos na ang ating paglalakbay sa mundo.

Pero babaunin ni Tito Ramon ang matinding pagmamahal ng kanyang mga anak, saksi kami sa sobra nilang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang ama, wala nang mahihiling pa ang bawat magulang kapag ganu’n katindi ang pagpaparamdam ng malasakit ng kanyang mga anak.

Nakalagak ngayon ang kanyang mga labi sa kanilang mansiyon sa Bacoor, Cavite, ang pahayag ng pamilya Revilla ay ihahatid sa huling hantungan ang namapayang beteranong aktor sa Huwebes, July 2, pagkatapos ng funeral mass, sa mismong memorial park nila sa Bacoor. Magkakaroon din ng necrological service sa Senador sa Miyerkules, July 1, 11AM-1PM.

Maraming kasamahan sa trabaho ni Tito Ramon ang gustung-gustong makasilip sa kanyang mga labi sa pinakahuling pagkakataon, pero dahil sa pandemya, nauunawaan ng pamilya Revilla kung hindi man sila makararating.

Gumagawa naman ng paraan si Senador Bong Revilla, regular ang pagpo-post nito sa kanyang FB Live tungkol sa mga nagaganap sa lamay, paminsan-minsan ay ipinasisilip din ng aktor-pulitiko ang kakisigan ng kanyang ama habang nakahimlay.

Ang taos-puso po uli naming pakikiramay sa lahat ng mga iniwan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr., ipanalangin po natin ang katahimikan ng kanyang kaluluwa, isang payapang pagbiyahe sa kabilang buhay.

LOVELIFE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with