KC Montero
KC Montero arestado sa pagpa-party
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

As of presstime kahapon ay ini-inquest na si KC Montero at ang 112 pang kasama sa isang gym sa Guadalupe Nuevo, Makati.

Kasama ang TV personality at DJ na nahuling nakiki-party sa bar ng isang condominium unit sa Salcedo Village, Makati.

Sabi ni Col. Oscar Jacildo ng Makati PNP, bukod kay KC at ilan pang mga kaibigan, may mga British at Irish nationals pa raw na nakasama sa mga nahuli na nagpa-party.

Nang nakausap namin ang naturang pulis kahapon ng umaga, kasalukuyan pa raw silang (mga inaresto) ini-inquest ng prosecutor, kaya hindi pa sila naka-detain.

Kung ano raw ang resolution ng Prosecutor na nag-inquest sa kanila, iyun ang kanilang susundin.

Nilinaw din ni Col. Jacildo sa amin na nilabag ng grupo nina KC Montero ang Executive Order No. 10 o Implementation of Strict Social Distancing, ang 11332 Reporting of Infectious Diseases, at Disobedience or Article 151 ng Revised Penal Code.

Ayon pa kay Col. Jacildo, nahuli nila ang grupo na nag-iinuman sa condo unit na iyun na hindi nila pina-practice ang social distancing, at ang iba raw walang suot na face mask o any protective gear.

Klinaro rin niya sa aming walang drugs na involved, kundi nilabag lamang nila ang ipinapatupad na mass gathe­ring at social distancing.

“Good na wala kaming nakuhang party drug kasi it will aggravate the situation,” pakli ni Col. Jacildo.

“It’s all about ‘yung usual na drinking, liquor, nagkadikit-dikit and yun iba po not wearing protective gear.

“Parang normal days when you go to a party, ganun ‘yung inabot ng mga tropa dun,” dagdag niyang pahayag.

Sinabi naman ni KC sa isang interview na may suot silang mask at may social distancing daw. Magkakalayo pa raw ang mga mesa nila.

Nag-post si KC sa kanyang Twitter account ng kanyang version sa insidenteng iyun.

Aniya : “I was hungry, I went to eat at a place that seemed open. Now I’m arrested. I really should’ve stayed home and watched Gilmore Girls.”

Kinuwestiyon din niya na siksikan naman daw sila sa isang sasakyan pagkatapos nilang arestuhin. Saan naman daw dun ang social distancing.

Sabi pa niya sa kanyang Twitter account; “Arrest us for not social distancing (we were actually practicing it) we were there for 5 minutes for dinner.

“This is absolutely ridiculous.”

Nung i-check ko uli sa kanyang Twitter account, wala na ang mga nasabi niyang posts.

Mga anak ni Mang Ramon, wala pang official count

Sa Huwebes, July 2, na ililibing ang dating Sen. Ramon Revilla Sr. sa kanilang sementeryo sa Angelus Memorial Park sa Bacoor, Cavite.

Hindi na matutuloy ang pagdala sa kanya sa Imus Cathedral dahil bawal pa rin ang mass gathering.

Dahil sa pagsunod sa safety measures at guidelines ng IATF, nasabihan na ang mga gustong makiramay na magkaroon ng necrological service sa Miyerkules ng gabi na mapapanood ng live sa Facebook page ni Sen. Bong Revilla.

Bago yan ay dadalhin muna sa Senate building ang mga labi ni Mang Ramon sa Miyerkules ng hapon.

Ang isa pa pala sa mga aayusin ng magkakapatid na Revilla ay ang mga alagang hayop ng kanilang ama.

 Maraming hayop na alaga ni Mang Ramon sa kanyang rancho na kung saan doon siya nalagutan ng hininga.

Kuwento nga ni Antipolo Mayor Andeng Ynares, nung unang gabi ng burol ng daddy nila ay nag-ingay daw silang lahat, parang mga 10 minutes daw.

Naalala rin ni Mayor Andeng na nung Father’s Day kung saan ay iniuwi daw nila ang ama mula sa hospital, kinausap daw nito isa-isa ang mga anak na dumalaw sa kanya.

Hindi pa masabi ng mga anak ni Mang Ramon kung ilan talaga silang magkakapatid. May nagsasabing mahigit 80, merong 72 raw sila, pero nasa listahan nila Rowena Mendiola at Mayor Andeng, 42 daw sila.

KC MONTERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with