Lock-in taping nila kim, Ruffa, Boyet, paspasan
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

Kahapon ang second day ng balik-taping ng Love Thy Woman ng Kapamilya Channel.

Alam mo, Ateng Salve, kapuri-puri nga ang Kapamilya networks sa protocols na pinatutupad nila sa balik-taping dahil maayos na maayos ‘yon.

Sobrang bilib nga si Ruffa Gutierrez, isa sa stars ng Love Thy Woman, sa pagiging sobrang maayos ng protocols sa new normal taping.

Noong Saturday nag-lock-in si Ruffa kasabay sina Eula Valdez at Yam Concepcion at noon din sila nag-COVID-19 rapid test.

Noong Sunday naman ang first taping day niya at noong araw rin na ‘yon nag-lock-in naman sina Christopher de Leon at Kim Chiu at kahapon naman ay kasama na nila sina Sunshine Cruz, Sunshine Cruz, Xian Lim at iba pa.

Sa sobrang planado ang balik-taping ng Love Thy Woman ay wala raw aberya sa set.

Mabilis nga raw ang taping nila.

In fairness, bibilib ka raw talaga sa mga taga-Dreamscape na pinamumunuan ni Sir Deo Endrinal at siyang namamahala sa taping ng naantalagang teleserye ng ABS-CBN.

Ang alam ni Ruffa, kahapon na ipapalabas ang mga kinunan nila noong Sunday.

 “Woke-up at 4:30a.m. at make-up na ng 5:15a.m. at nag-roll na kami ng 7:30a.m.

 “By 2:00p.m., I’m done!” sabi ni Ruffa.

Well, tama lang talaga ang desisyon ng Kapamilya network na magbalik-taping na ang ilang shows nila dahil sobrang napaghandaan nila ‘yon!

Lahat din daw ay sinusunod ang new protocols sa taping, huh!

Hurray for ABS-CBN, ang bongga nila!

Anyway, napapanood na uli ang Love Thy Woman sa Kapamilya Channel (after It’s Showtime) sa cable at sa iba pang digital flatforms ng Kapamilya network like iWant app at siyempre, sa TFC (The Filipino Channel) at TFC.tv app.

Yes, dahil nasa Los Angeles, California pa ako, watch ako ng Love Thy Woman sa TFC dahil tutok doon ang mga friend ko!

Love life with Kris, nakalatag na

Naku, Ateng Salve, marami ang nag-aabang sa pagla-live ni Kris Aquino sa kanyang official Facebook page (pati sa Cornerstone Entertainment FB page na siyang official na nagma-manage na ng kanyang career) bukas, hindi lang dahil sa announcement niya ng 8 winners ng 2-in-1 laptops kundi baka magkukuwento na rin siya tungkol sa details ng kanyang pagbabalik-telebisyon.

Nag-leak na kasi ang tsika tungkol sa kanyang nalalapit na weekly show na magsisimula on July 25 sa TV5, ang Love Life with Kris.

Blocktimer daw sa Kapatid network ang weekly show na ‘yon ni Kris.

In fairness, marami pa rin ang excited na magka-TV show uli ang noon ay tinaguriang Queen of All Media, huh!

‘Yun na!

RUFFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with