_ngayon
^
2gether, magpapakilig na sa iWant
2gether

2gether, magpapakilig na sa iWant

(Pilipino Star Ngayon) - June 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makakapiling na ng mga Pilipino ang blockbuster tandem nina Bright Vachirawit at Win Metawin sa nakakakilig na Thai series na 2ge­ther The Series, na mapapanood na sa iWant nang libre simula Lunes (Hunyo 28).

Ang 2gether The Series ang pinakaunang Tagalized Thai series sa bansa at sa iWant, kung saan bagong episodes ang mapapanood kada araw tuwing 10 PM.

Sa 2gether, makukulitan ang college chickboy na si Tine (Win) sa masugid na baklang manliligaw nito na si Green (Korawit Boonsri).

Upang matigil ang pag-aaligid ni Green, mapipilitan si Tine kasama ang kanyang mga kaibigan na humingi ng tulong mula sa sikat at misteryosong gitarista na si Sarawat (Bright) at pilitin itong magkunwari bilang kasintahan niya. Tatanggihan ni Sarawat ang mga unang alok ni Tine, ngunit bibigay din ito sa plano nang sumali si Tine sa kanyang music club.

Bagama’t nagsimulang bilang pekeng magkasintahan, unti-unting malilito ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon dahil mahuhulog sila sa isa’t isa.

Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans sa buong mundo para sa tandem nina Bright and Win dahil sa ma­lakas nilang chemistry.

Ang 2gether The Series ang unang Thai show na ipapalabas sa iWant bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Thai content company na GMMTV.

IWANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with