^

PSN Showbiz

Aktor na naintrigang naghihirap na, nakahakot ng mga customer sa binebentang PPEs

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naaliw ako sa kuwento ng isang talent manager na nagsa-sideline sa pagbebenta ng PPEs (personal protective equipment).

Naisulat ko kasi na tinutulungan siya ng isang aktor na malapit sa kanya sa pagbebenta ng mga disinfectant mat and tray.

May nag-pick up ng item kong ‘yon at nang-intrigang kaya nagbebenta na lang daw ang aktor ng mga disinfectant mat and tray ay dahil wala na itong kinikita. Wala pa ngang trabaho ngayon sa showbiz dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa una ay nairita si talent manager dahil tumutulong na nga si aktor sa kanya, inintriga pa nang nagpick up ng column item kong ‘yon.

Pero after a week, naikuwento sa akin ni talent manager na dahil sa pang-iintrigang ‘yon kay aktor ay dumami raw ang nagkaroon ng interest sa produktong binibenta niya.

Mas dumami raw ang mga nag-o-order ng mga disinfectant mat and tray, huh!

Ang bongga! Hahaha!

Ibang artista nagtatawag sa mga sponsor para sa monthly bills

Naku, mabuti na lang at mayaman ang pamilya ng showbiz newcomer na ito kaya hindi siya problemado kahit kasama siya sa mga natanggal sa balik-taping ng isang TV series.

Dahil sa new protocols nga sa taping ngayon, nagbawas ng cast at hindi na nga kasama si showbiz newcomer.

Eh, before the lockdown pa naman, kabibili lang niya ng kotse at inaasahan niya na galing sa talent fee niya sa TV series na ‘yon ang pang-monthly niya.

Pero well-off naman ang pamilya ni showbiz newcomer, kaya hindi pa rin siya problematic.

Malayo siya sa ibang mga artista na nagtatawag daw ng mga sponsor para sa monthly bills nila.

Tsk… tsk… tsk…

Ina ayaw sumabak sa new normal

Hindi pa pala muna tumatanggap ng showbiz project si Ina Raymundo dahil hindi pa siya sanay sa sinasabing new normal dahil nga sa kinahaharap nating pandemic.

Nawala nga sa cast ng Burado ng ABS-CBN si Ina dahil out of town ang location no’n at matagal na mala-lockdown.

Lima rin kasi ang anak ni Ina at hindi puwedeng hindi niya personal na asikasuhin.

Pero in the future naman daw, tatanggap naman uli ng showbiz project si Ina lalo na kung hindi naman out of town ang location.

Kamakailan nga pala ay lumabas ng bahay si Ina at nakipagkita sa manager niyang si Paula Punla. Doon lang sila sa Rockwell area na malapit sa bahay ng aktres.

Sabi ni Paula, simula noong mag-GCQ (general community quarantine), twice pa lang daw lumabas ng bahay si Ina, pero hangga’t maaari raw ay sa bahay lang sila ng kanyang mga anak dahil takot pa nga sila dahil sa virus.

Noong nagkita rin si Ina at ang manager niya ay sobrang ingat daw ang aktres dahil for her safety at ng kanyang pamilya rin kapag umuwi siya ng bahay, which is so normal na naman ngayon.

Right, Ateng Salve?!

‘Yun na!

vuukle comment

INA RAYMUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with