_ngayon
^
Sharon sinumbong ang lalaking nagbantang gagahasain si Frankie!
Sharon
STAR/ file

Sharon sinumbong ang lalaking nagbantang gagahasain si Frankie!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2020 - 12:00am

Sobra pa sa galit ang nararamdaman ni Sharon Cuneta sa isang netizen na nagngangalang Sonny Alcos. Kahit naman kasi sino, talagang mapapamura matapos itong mag-shout out na deleted na ngayon ng “pasalamat ka iha kung ang edad ko 12 years. Magtago ka na sa sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong.”

Burado ang nasabing post pero hindi ito pinalampas ni Sharon at naglabas ng matinding galit na dapat lang naman dahil hindi tamang ginagawang ordinary subject ang panggagahasa.

Narito ang buong post ni ate Sharon : “What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino. “Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo? At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila - at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad! Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal. BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.)

“BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS! Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan. HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES? We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!!? I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM.

“I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA. @bernsrp@indaysaraduterte (SHARONIANS, remember this monkey’s face and name please.).”

Nag-umpisa ang lahat nang magsalita si Frankie sa issue ng pulis sa Quezon na hindi dapat nagsusuot ng maiiksi ang mga babae para hindi nababastos at hindi nagsusumbong sa mga pulis.

Nangatuwiran si Frankie sa issue at nagkaroon nga sila ng sagutan ni Ben Tulfo at tinawag na Hija ang anak nina Sharon and Sen. Kiko.

At doon na nga nag-umpisa ang pagti-trending ni Frankie. Maraming celebrities ang sumuporta sa stand ni Frankie na wala sa suot ng babae ang pambabastos ng mga rapist. “Rape would not exist without rapists,” ang madiing statement ni Frankie sa mga interview.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with