^

PSN Showbiz

Billy nag-apologize, umaasang mahahawakan ng ama ang magiging anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Billy nag-apologize, umaasang mahahawakan ng ama ang magiging anak
Billy at Coleen

Ika-anim na buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Coleen Garcia kaya sobrang excited na rin ng asawang si Billy Crawford na maging isang ganap na ama. Ayon kay Billy ay nangangarap din ang amang si Jack Crawford na nakabase sa Amerika na makita at mahawakan ang magiging apo. “Growing up kasi close family talaga kami. To see my dad, ang pangarap niya kapag kausap ko sila, ang sinasabi niya, ‘Son, I’m just holding on para makilala ko lang ‘yung anak n’yo.’ Matanda na ang daddy ko and maraming complications. Pero marami akong natutunan at marami akong maituturo sa aming anak dahil sa ama ko. And I owe a lot to my dad. I owe it all to my parents. Ako ang goal ko is to be the better version of my father for myself. And I want to be the better version of myself para sa aking newborn,” makahulugang pahayag ni Billy.

Bukas ay ipagdiriwang ang Father’s Day sa iba’t ibang bansa kaya mayroong espesyal na mensahe ang singer para kay Daddy Jack. “Thank you so much. I love you and I miss you so much. I wish that when my son is born that you’d be able to hold him as well. I’m always here. I love you so much. And for whatever I’ve done in the past that has upset you or turn you away, I apologize. I love you so much and I hope to see you soon,” emosyonal na pahayag ng singer.

Boom, halos kalahating taon nang walang trabaho

Ilang buwan nang nananatili lamang sa bahay si Boom Labrusca dahil sa pagpapatupad ng community quarantine. Ayon sa aktor ay nakaranas siya ng anxiety attack sa bahay dahil sa dami ng kanyang naiisip. “Kung anu-ano ‘yung naiisip ko. ‘Yung anxiety ko parang ‘pag meron akong naiisip nire-research ko kaagad, binabasa ko kaagad. Tapos isang araw ‘yon lang ‘yung iniisip ko at para kang napapraning. Tapos nakakalunod siya, literal na parang nakakalunod siya. literal na parang nalulunod ka sa tubig. Tapos parang kailangan mo ng air, kailangan mo ng space. Kasi parang feeling mo lumiliit ‘yung mundo, ‘yung kapaligiran mo. umabot ako sa gano’n,” kwento ni Boom.

Upang makaiwas sa anxiety attack ay ibinaling ng aktor ang oras sa pag-eehersisyo. “Nakatulong sa akin ‘yung exercise, so exercise lang ako nang exercise, natanggal siya. Tumakbo ako sa parking, nag-push ups ako dito, nag-jump rope ako. Pinawis ko siya nang pinawis hanggang sa naging normal ako ulit at nag-let go ako,” dagdag ng aktor.

Dahil halos kalahating taon ng walang trabaho si Boom at asawang si Desiree del Valle ay malapit na raw mabawasan ang kanilang mga naipon. “To be honest, malapit na kami sa savings. Anim na buwan na halos walang trabaho, mabigat ‘yon ha. Sa mga per day (na kontrata ng artista) na tulad ko, I’m sure nag-iisip na ‘yan na kapag wala pa tayong trabaho after two to three months, medyo mahihipan na talaga. Pray lang tayo at sana malampasan natin ito. Buti na lang kasama ko ang asawa ko kung hindi baka hirap na hirap ako. Thankful ako na nandito ‘yung asawa ko,” pagbabahagi ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with