^

PSN Showbiz

Kyle excited maging 18

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Ang birthday celebration kahapon ni Kyle Echarri sa Lunch with the Stars Live! sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment.

Sa napanood kong part, naka-stay home sa magkakaibang lugar ang mga kaibigan ni Kyle na sina Darren Espanto, Jayda Avanzado, AC Bonifacio at ang twins na sina Mavy at Cassy Legaspi nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Sa panahon ng COVID-19 pandemic, kaliwa’t kanan ang mga pa-social media live ng mga celebrity, kaya naman maraming mga fan na natutuwa.

In fairness nga pala sa FB Live na ‘yon ni Kyle, nag-trending siya sa Twitter.

Napakarami ring mga fan ang nanood ng nasabing birthday celebration ni Kyle.

Si Jayda, may pa-game kung saan tinanong niya ang ibang mga guest din tungkol sa mga bagay-bagay kay Kyle.

May tanong siya na may “very tiny hidden tattoo” ba si Kyle?

Nagbiro naman si Kyle na meron siya sa may butt.

“Dito sa may puwet, oh!” at tumayo pa na kunwari ay ipapakita ‘yon

Pero ang sagot ay false! wala!

‘Kaaliw ang nasabing birthday celebration na ‘yon ng isa sa member Gold Squad ng ABS-CBN.

Kasama nga rin pala sa FB live birthday episode na ‘yon ni Kyle ang ka-love team niyang si Francine Diaz nang mag-start sila, pero nawala at bumalik lang ng mga bandang 44 minutes na ‘yon.

Ngayon nga pala ang 17th birthday ni Kyle at sinabi ng young actor na excited siya na mag-18 years old na next year para legal age na.

Barbie ayaw nang mag-fb

Kahapon ay ka-chat ko sa Viber app ang nanay ni Barbie Forteza.

Kinumusta ko kay Mommy Amy kung na-recover na ba ni Barbie ang Facebook account nito na bigla na lang nawala dahil ini-report yata ng isang “fake” Barbie account.

Kamakailan lang kasi gumawa si Barbie ng FB account, pero bigla ngang nag-disappear na lang ‘yon.

Sabi ni Mommy Amy, hindi pa raw na-recover ng anak ang FB account nito dahil nag-a-ask daw ng identification (ID), pero sabi raw ng ate ni Barbie ay huwag magbigay, kaya pababayaan na lang yata ng young actress ang account na ‘yon.

“Siguro hindi po talaga pang-Facebook si Barbie.

“Twitter, Instagram at YouTube na lang po ang social media accounts ni Barbie.

“’Yung Facebook account po kasi ni Barbie, wala pang two weeks niyang nagamit, kaya wala pang sentimental value sa kanya, kaya ok na lang po,” pahayag pa ng nanay ni Barbie.

Well… ‘Yun na!

vuukle comment

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with