^
Marian, certified ayuda queen for all seasons!
Marian
STAR/ File

Marian, certified ayuda queen for all seasons!

Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2020 - 12:00am

Karapat-dapat ding matawag na Ayuda Queen si Marian Rivera hindi lang sa panahon ng pandemya kundi sa lahat ng panahon!

Aba, wala pa mang COVID-19, tumutulong na siya sa Smile Train na nagbibigay ngiti sa mga taong may bingot.

Bukod sa Smile Train, tumutulong din siya sa mga tinatawag na little people o ‘yung mga tinatawag na dwarfism.

Nariyan din ang adbokasiya niya bilang certified Padede Mom. Kaya nga nitong pandemic, nag-donate siya ng mga gatas.

Pinagkakaabalahan ni Yan ngayong krisis ang pagpapakain sa frontliners at health workers. Pinakain din nila ang iba nilang sa kanilang mga kapitbahay.

Eh ito ngang benta sa pagiging endorser niya sa Kultura, ‘yung sales ng produkto ay itinutulong din sa biktima ng krisis.

Todo-abala man sa iba’t ibang adbokasiya, priority pa rin niya siyempre ang pagiging asawa ni Dindong Dantes at ina nina Zia at Ziggy!

See, hindi lang ngayong pandemic tumutulong si Marian kundi sa lahat ng panahon.

So bansagan man siyang Ayuda Queen for All Seasons, deserving niya ang titulo to the highest level, huh!

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with