^

PSN Showbiz

Bagong dyowa ng aktor na kapalit ng asawa, mayaman ang pamilya!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Tinanong ko ang isang not-so-active actress tungkol sa estranged husband niya.

Friends ba silang dalawa?

“Oo naman,” sagot niya.

Tinanong ko siya kung tama ba ‘yung nabalitaan ko na happy naman siya ngayong sinasabing may girlfriend na ang kanyang estranged husband?

“Of course. Hahaha! Ikaw talaga!” reaksiyon niya sa sinabi ko.

Anyway, may kanya-kanyang buhay na kasi ang mag-ex, kaya natural na kahit pareho na silang may ibang mga karelasyon ay hindi na sila nagre-react pa, huh!

May isang kaibigan ko nga pala ang nagkuwento sa akin tungkol sa babaeng karelasyon ngayon ng dating teen actor na ngayon ay nasa kanyang 40’s na.

Kaibigan ng mga anak ng kaibigan ko ang babaeng ‘yon at rich daw ang family.

Actually, mabait daw ang girl na ‘yon at dati nilang kapitbahay sa Greehills, San Juan.

“Sa posh village pa kami sa Greenhills nakatira noon,

kaibigan ng mga anak ko ‘yung girl at ok ang pamilya

niya. Napakalaki ng bahay nila.

“Rich ang family nila!” sey ng kaibigan ko.

Mukhang in love nga raw si actor sa babaeng

sinasabing bago niyang karelasyon.

Ang bongga!

Gary biglang pinayagang magtrabaho!

Alam mo, Ateng Salve, marami ang nagulat nang mapanood nila sa ASAP Natin ‘To si Mr. Pure Energy Gary Valenciano noong Sunday sa Kapamilya Channel.

Actually, nagulat din ako dahil mismong si Gary nga ang nag-post sa kanyang Instagram account noong June 5 na sadly na for sometime hindi muna siya magiging part ng show dahil nga sa sitwasyon ng COVID-19 at delikado nga raw sa katulad niyang may Type 1 Diabetes.

Pero nag-post naman si Gary ng breaking news na cleared na siya to work, kaya nga napanood na siya noong Sunday.

May isa akong tinanong ko kung bakit hindi kasama sa opening number ng ASAP Natin ‘To si Gary dahil sina Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos at Piolo Pascual plus G-Force Dancers ang nandoon?

“Late na kasi nasabing cleared na si Tito Gary to work, gawa na ‘yung para sa opening number,” sabi ng tinanong ko.

So, at least, malinaw na!

First Yaya nina Marian at Gabby, October pa makakapag-taping

Tama ba ang tsinika sa akin ng isang talent manager na baka September o October pa magsisimulang mag-taping uli ang bagong primetime series nina Marian Rivera at Gabby Concepcion sa GMA 7, ang First Yaya?

Naapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ang taping ng project na ‘yon nina Marian at Gabby.

Well…

‘Yun na!

vuukle comment

JUN LALIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with