_ngayon
^

PSN Showbiz

KC, umaming nag-aalala pa rin kay Piolo!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
KC, umaming nag-aalala pa rin kay Piolo!
KC
STAR/ File

Naibahagi ni KC Concepcion ang kanyang mga paboritong leading men sa mga ginawang pelikula noon. Nanguna sa listahan ang dating kasintahan na si Piolo Pascual. “Ang talagang number one  diyan si PJ (palayaw ni Piolo). Kasi ang dami naming pinagdaanan. Naging magkaibigan talaga kami. Alam ni PJ na talagang I cared about him. Kaya rin ako hanggang ngayon, alam niya na I worry for him,” pagtatapat ni KC.

Bukod kay Piolo ay mayroon pang dalawang aktor na talaga namang naging bahagi ng acting career ni KC. “I think nagka-work kami ni Sam (Milby) more than once. Tropa ko siya talaga. I would say Sam also kasi we lived in Bukidnon for almost one month for shooting. And of course si Richard Gutierrez because he was my very first film (leading man),” paglalahad ng dalaga.

Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makapag-host ni KC ng isang programa sa telebisyon. “Gusto kong makipagkuwentuhan sa mga tao. gusto kong naririnig ‘yung mga pinagdadaanan ng ibang tao. ABS really gives us a chance to do that. Kaya mahal natin ang network na ito. Sila rin ‘yung nagturo sa akin as a host, as a person kung paano rin maki-relate sa mga taong hindi naman parehas ng mga pinagdaanan ko or kinalakihan ko. Talagang nag-open ‘yung mind ko sa mundo because of my job,” nakangiting pahayag ng aktres.

Cesar, nakakasama at nakakausap na muli ang tatlong anak

Maayos na ang turingan ngayon ng dating mag-asawa na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Ayon sa aktres ay madalas na ring nakakausap o nakakasama ng kanilang tatlong anak si Cesar. “This year nagkaroon siya ng participation. Mas may participation siya sa mga bata. They are in touch. Minsan magkasama pa silang nagsisimba. Sabi ko naman sa mga bata, ‘Kung ano man ‘yung mga nangyari noon, hindi naman ibig sabihin noon hindi na kayo mahal ng tatay ninyo. Kahit anong mangyari, tatay n’yo pa rin ‘yan.’ May kanya-kanyang buhay na kami. Annulled na naman kami ni Cesar. May ibang buhay na siya, and same with us. Ang importante talaga dito ‘yung kaligayahan at kapakanan ng mga anak namin,” pagbabahagi ni Sunshine.

Aminado ang aktres na sobrang nahirapan siya noong nagkahiwalay sila ni Cesar ilang taon na ang nakalilipas. “Wala naman kasing ibang sasandalan ‘yung tatlong anak ko kung ‘di ako lang. Kapag pinakita ko na weak ako, panghihinaan din sila ng loob. Kailangan talaga magpakananay at tibayan ko ang kalooban ko. There was a time na nalungkot ako nang sobra-sobra pero binigyan ko ng expiration date ‘yung pagdadalamhati at pagiging malungkot ko kasi hindi naman pwedeng habangbuhay na gano’n. Kawawa ‘yung mga bata. Sila ‘yung naging inspiration ko para makabangon. I’m very grateful to ABS-CBN kasi one week or two weeks pa lang no’ng nabalitaan ng ABS-CBN na hiwalay na ako, nagkaroon agad ako ng offer na teleserye, that was 2013 then nagdire-diretso na ako,” pagdedetalye ng aktres.

Mag-aapat na taon nang kasintahan ngayon ni Sunshine ang kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay. (Reports from JCC)

KC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with