_ngayon
^
Ben Tulfo at Kakie, may giyera sa Twitter
Frankie Pangilinan

Ben Tulfo at Kakie, may giyera sa Twitter

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2020 - 12:00am

May nagaganap na twitter war kina Ben Tulfo at Frankie Pangilinan kahapon.

Yes, the daughter of Kiko and Sharon.

Sinagot kasi si Frankie ni Mr. Tulfo ng “THE WANNABE SMART ALECK

(You’re too young to know the world) Hija, perverts and rapists think differently. We can’t teach them and change their desires and criminals.

The only thing you can do is dress right. Let’s not evoke their desire. This is what you can do.

Before we change them, let’s change our self and thinking first. Do you get it, Hija?

The author of Juvenile Law is your father.”

Pinag-umpisahan nito ang deleted post ng isang pulis na sinasabing ‘wag kayong magdadamit ng pagka-iksi-iksi at pag nabastos nagsusumbong naman daw sa mga pulis.

Nag-react si Kakie ng : “STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE.”

Dagdag pa ni Frankie : “Breaking news: my clothing is NOT my consent.”

“Hija @kakiep83 , a rapist or a juvenile sex offender’s desire to commit a crime will always be there. All they need is an opportunity, when to commit the crime. Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast,” sagot naman ni Mr. Tulfo.

Gumawa nga ng ingay ang nasabing post ng pulis na ‘wag maging bastusin ang mga sinusuot para hindi makaranas ng pambabastos na ang katuwiran naman ng karamihan ay bakit sisihin ang may suot lalo na sa panahon ngayong ang init-init.

Bakit hindi raw ang mga rapist ang turuan ng leksyon.

Habang sinusulat namin ito ay tuloy ang pagti-trending ni Mr. Tulfo at sumali na rin sa Twitter war si Sen. Kiko.

UH may pa-serbisyo

Kahit GCQ na nga sa Metro Manila at iba pang mga lugar, maraming Pinoy ang hindi pa rin nakababalik sa normal na pamumuhay. Kaya naman ang longest-running morning show na Unang Hirit, may inihandang simpleng ayuda sa segment nitong UH Serbisyo at Puso.

Ang UH host at news anchor na si Ivan Mayrina, nag-abot ng grocery items at almusal sa ilang jeepney driver na naghahanap ngayon ng ibang pagkakakitaan dahil sila ay tigil-pasada pa rin. Si Mariz Umali naman, namahagi ng almusal at jacket sa mga locally stranded individuals o LSI sa NAIA. Karamihan sa kanila, mga OFW na hindi natuloy ang biyahe sa ibang bansa at nagnanais na makauwi sa kani-kanilang probinsiya. Noong isang araw ay bisikleta naman ang ibinigay ng UH barkada sa isang essential worker upang magamit niya sa araw-araw na biyahe mula Antipolo hanggang sa pinapasukan sa Pasig.

 Pinuri ng viewers at netizens ang mga ginagawang ito ng UH.

BEN TULFO FRANKIE PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with