Iza matagal bago pinayagang mag-donate ng dugo
Iza
STAR/ File

Iza matagal bago pinayagang mag-donate ng dugo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2020 - 12:00am

Emotional ang karamihan base sa mga ipinu-post nila sa kanilang social media account nung ipinagdiwang natin ang ika-122 na anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan nung nakaraang Biyernes.

Mahaba at naglabas ng kanyang saloobin si Dingdong Dantes sa kanyang Facebook account kaugnay sa isyu ng Anti-Terrorism Bill.

Marami ang nag-agree sa kanyang pananaw bilang isang ama, reservist, artista at Pilipinong nagmahal sa ating bayan.

Pinuri si Dingdong dito, at marami na nga ang nagsasabing karapat-dapat siyang tumakbo sa susunod na eleksyon.

Isa rin sa nagpahayag ng damdamin sa kanyang Instagram account ay si Iza Calzado, dahil nung araw ding iyun ay natuloy na rin ang pag-donate niya ng kanyang plasma para sa mga COVID patients, at pati na rin sa ibang may sakit.

Ginanap ang blood donation sa UP-PGH na ikinatuwa ng mga doktor dahil finally, puwedeng-puwede na siyang mag-donate ng kanyang dugo.

Ilang beses na siyang na-test, pero kailangan pa raw talagang pataasin ang kanyang hemoglobin counts, kaya pinaghandaan ito ni Iza para matuloy ang pagbigay ng kanyang dugo.

Sabi niya sa kanyang IG account; “June 12 has always been a special day because it is my Mother’s birthday and the independence day of my Motherland.

“This year it became even more meaningful. After failing several tests to be an eligible plasma donor for COVID-19, because of low hemoglobin levels, I was cleared to donate last Tuesday. I never knew that giving my blood would be such an emotional moment for me.

“Perhaps it’s because, as a COVID-19 survivor, I truly felt that this was one of the most powerful ways I could help my fellow Filipinos during this time. As the doctor played ‘Bayan Ko’ my tears and my blood flowed. It gave me so much hope to think that maybe I could help restore someone’s health and that, through our collective efforts, we can restore our country’s well being and make it better. Love and light!”

Sabi pa ng Kapamilya actress nang tinanong siya ng ilang doktor kung ano ang nag-udyok sa kanya na maging plasma donor;

“Nung nasa hospital ako at nagkaroon ako ng COVID-19 at nalaman ko na puwedeng makatulong ng plasma ang mga survivors para sa mga meron din ng COVID-19 in critical condition, alam ko na sa puso ko na gusto kong mag-donate.

“Kaya sana po kayo ay tinatawag ng inyong puso’t damdamin para makapagbigay ng dugo para sa iba, gawin nyo po.

“Ako kasi first time kong mag-donate na ang sarap po ng feeling. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong nagbigay ka ng bahagi ng buhay mo, ng energy mo sa isang tao na nangangailangan talaga nito.”

Gameboys, nag-trending

Umani na talaga ng napakaraming viewers at fans na rin ang bagong tambalang Kokoy de Santos at Eljah Canlas sa Pinoy BL Series na Gameboys.

Ipinalabas nung Biyernes ng gabi ang episode 3 nito at lalong dumami ang kinilig at natuwa sa kanilang tandem, kahit hindi pa sila nagkikita.

Tuwang-tuwang ipinost ng producer nitong si direk Perci Intalan sa kanyang Facebook account kahapon na nung gabing iyun ay naka-200 thousand views na agad sa YouTube at nag-trending ito sa Twitter. Number one trending ang hashtag na #GameboysEp3, at number three trending ang hashtag na #GameboystheSeries.

Kaya nung Biyernes din ng gabi ay nagpasalamat si direk Perci sa lahat na sumuporta. Sabi niya sa kanyang Twitter account; “Producing Gameboys is one of the few bright spots for me during this harrowing period. It’s not easy making a series in the middle of a lockdown and what feels like a living nightmare. But we cannot give up. We have to keep telling stories to overcome the fear. Stories allow us to disengage, if only for a moment, from the sadness and anger we feel towards a lot of things nowadays. To know that our story has brought joy to so many people is just incredibly moving. It makes me hopeful for better days ahead.”

Sa gitna ng takot ng mga film producer na mag-produce ng pelikula, nakakatuwang isiping meron pa ring nangahas kahit isang maliit na proyekto lang sa ibang platform, at kinatuwaan ng karamihan.

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with