TV5: Happy Naman Dyan!
MANILA, Philippines – Bawas wrinkles muna tayo from stress dahil may parating na exciting show sa 5! Simula June 8, mapapanood mo na ang best episodes ng Wow Mali Pa Rin!, Tropa Mo Ko Unli, Lokomoko at Lokomoko U!
Makakaasa ang mga viewers sa isang all-in comedy experience napuno ng wacky segments, bloopers at mga street pranks na sa “Happy Naman Dyan!” lang mapapanood! Mag-enjoy sa mahigit isang oras na katatawanan kasama ang mga komedyante na sina Joey de Leon, Empoy Marquez, Tuesday Vargas, Long Mejia, Caloy Alde at marami pa!
Kalimutan muna ang problema at manood ng “Happy Naman Dyan!” mula Lunes hanggang Biyernes, 7:30 p.m. ng gabi!
- Latest