^

PSN Showbiz

Mga gustong magsumbong kay Tulfo bawal nang pumila

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Mga gustong magsumbong kay Tulfo bawal nang pumila
Tulfo

Sa isang bayan sa Isabela inabutan ng lockdown ang palabang news anchor-komentaristang si Raffy Tulfo. Sa lugar ‘yun ng kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS Party List.

Pero hindi ‘yun nakapagpahinto kay Kuya Raffy para sa pagtulong sa mga kababayan nating problemadong nagsusumbong sa kanyang Wanted Sa Radyo.

Kumpleto ang kanyang produksiyon sa mga gad-gets, nakahanda sila sa ganu’ng laban, kaya kahit sa malayuang paraan ay nakapaglingkod pa rin siya sa ating mga kababayan.

Pero mula nu’ng Lunes ay live na siya sa Radyo 5, marami nga lang naging pagbabago, bilang pagsunod sa mga ipinagbabawal ng DOH at ng ating pamahalaan.

Mag-isa lang siya sa loob ng studio, nasa ibang kuwarto ang kanyang mga co-hosts, ang mga nagsusumbong, mahirap dahil paminsan-minsan ay nawawala sa ere ang nagrereklamo, pero nagagawan naman agad ‘yun ng paraan.

Napakalaki ng ipinagbago ng sistema ng broadcasting ngayon. Maraming protocol na dapat sundin. Limitado lang dapat ang bilang ng mga tao sa booth.

Sampung complainants lang ang tinatanggap ngayon ng Wanted Sa Radyo, bawal din ang pila sa labas ng TV5, pati ang bilang ng security ni Kuya Raffy ay binawasan din.

Pero dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa mga problemado nating kababayan ay kailangan nilang sundin ang mga ipinag-uutos, tuloy pa rin ang kanyang pagseserbisyo sa mga nangangailangan ng tulong na legal, kaya tiis-tiis lang muna sa mga pagbabago si Raffy Tulfo.

Bisita bawal din muna social distancing magiging mahigpit sa Take It...

Ganu’n din ang magiging kalakaran sa pagbabalik ng Take It, Per Minute... Me Ganu’n sa darating na Martes nang tanghali. Limitado lang din ang puwedeng magpunta sa programa.

Kung dati’y maraming dumadalaw sa amin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu na nakikisaya ay pasensiya na muna sila ngayon, kaming tatlo lang muna ang nandu’n, saka ang aming cameraman at producer na si Salve Asis.

Hindi mawawala sina Japs Gersin, Tina Roa, PJ at Ritchie Villarta, sila ang mag-aasikaso sa aming venue, Lunes pa lang nang hapon ay aayusin na ni Japs ang set ng digital show.

Ang mahalaga ay ang unang hakbang pagkatapos nang tatlong buwang lockdown. Kailangan naming sumunod sa social distancing, sa paggamit ng face mask, wala pang ECQ ay marami nang alcohol na makikita sa bawat sulok ng Mga Obra Ni Nanay.

Kaya sa mga nasasabik na tagasubaybay ng TIPMMG, muli na po tayong magkikita-kita sa Martes nang tanghali, tapos na ang inyong paghihintay.

Sabi nga ni Lesly Grace Advincula ng Hainan, China, “Munting kaligayahan naming mga nasa ibang bansa, nawala pa. ‘Yun man lang sana, e, maibigay sa amin dahil sa sobrang kalungkutan dito.”

Ngayon pa lang ay nagtatanong na ang mga loyalista ng TIPMMG, anu-ano raw kaya ang mga pasabog ng talk show sa kanyang pagbabalik, wala raw kayang lockdown pagdating sa mga isyu?

Walang-wala. Siguradong ibubuking pa rin ni Manay Lolit ang aming mga blind items ni Mr. Fu!

Ate Guy nakaalalang mag-ayuda kahit sinasabing walang pera

Nakatutuwa naman ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa Superstar na si Nora Aunor. Alam naman natin na taghirap talaga ang mga artista ngayon dahil sa pagpapahinto sa taping at shooting.

Problemado ang mga personalidad dahil puro palabas ang pera sa kanilang bulsa ngayon, walang pumapasok, pero ibahin natin ang kagandahan ng puso ng Superstar.

Nu’ng kasagsagan ng lockdown ay marami siyang pinadalhan ng ayuda, wala na nga siyang trabaho ay inintindi niya pa rin ang mga taong walang pagkukunan, ibinahagi niya ang kung anumang meron siya na talaga namang isang napakagandang ehemplo.

Maraming nagsasabing wala na raw pera ang Superstar, naghihirap na raw siya ngayon, pero pinatutunayan ng marami niyang natulungan na hindi man milyunan ang meron siya ngayon ay may puso pa rin siyang tumulong.

“’Yun na nga. Maraming artista d’yan na mil-yonaryo, hindi sila apektado ng lockdown, pero naalala man lang ba nilang magpadala ng ayuda sa mga nangangailangan?

“Wala na raw pera si Guy, sabi ng iba d’yan, pero siya pang walang pera ang nakaalala,” madiing sabi ng aming source.

Oo nga naman.

vuukle comment

TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with