^

PSN Showbiz

Liza aral muna, make it... nila ni Enrique ‘di na itutuloy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Liza aral muna, make it... nila ni Enrique �di na itutuloy
Liza

In-announce na ng ABS-CBN 2 sa kanilang Teleradyo na sa June 13 mapapanood ang mga programang ibabalik nila at ilan pang mga bagong gagawin sa kanilang cable channel.

Sa kanilang Jeepney TV at sa Cinemo na tinawag na nila ito ngayong Kapamilya channel.

Binanggit na nga nilang doon na muna mapapanood ang Ang Probinsyano, Love Thy Woman, A Soldier’s Heart, Magandang Buhay, ASAP Natin ‘To, It’s Showtime, The Voice Teens, at ang Koreanovelang World of the Married.

May bagong show din silang binanggit.

Pursigido silang hindi pa rin sila makalimutan ng televie-wers kaya talagang nagawan nila ng paraan.        

Isa sa hindi na raw muna itutuloy ay ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.      

Kaya ang isang fallback nga raw ngayon ni Liza ay ipagpatuloy na raw niya ang kanyang pag-aaral online. Nasa first year na si Liza sa kursong Psychology, at gusto raw niyang tapusin ito.

Kim gustong mag-grow!

Wala pang ina-announce ang GMA 7 kung kailan na sila magbabalik-taping ng kanilang drama series o kahit ang live shows nila.

Binanggit na ng Eat Bulaga na magbabalik-live na rin sila sa kanilang studio sa Cainta, pero hindi pa kinumpirma kung kailan ang exact date. So far, pinapalakas pa muna ng GMA 7 ang kanilang mga online shows dahil nagsisimula pa lamang sila.

Tuluy-tuloy pa ang Facebook live ng All-Out Sundays tuwing Linggo, meron din silang Ladies Room at malapit na rin sa You Tube ng GMA Network ang Boys’ Room na kung saan maghaharutan sina Ruru Madrid, Andre Paras, Jak Roberto, Mikoy Morales, Buboy Villar at Rocco Nacino.

Nagsimula na ring mag-vlog si Ginalyn ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday na gina-gampanan ni Barbie Forteza. Tuwing Lunes ng gabi ito napapanood sa GMA social media account, at meron ding Quizbeh na hinu-host ni Betong Sumaya at yung nagsimula na ring online tsikahan nina Paolo Contis at Vaness del Moral na Just In.

 Kasisimula lang din ng vlog ni Kim Domingo. Isa sa napag-usapan ni Kim sa kanyang vlog ay ang desisyon niyang hindi na magpapa-sexy.

Ang isang dahilan daw kung bakit ayaw na niyang magpa-sexy ay dahil nalaman daw niyang may mga bata pala siyang fans, nang napasali siya sa Super Ma’am ni Marian Rivera.

Pero nabawasan din daw siya ng mga kalalakihang fans pagkatapos niyang tumanggi sa ilang pagpapa-sexy sa Bubble Gang. “Maraming nawala, pero marami ring pumalit. Hindi lang ninyo alam, pero marami pa rin ang pumalit,” pakli ni Kim.

At least nalagpasan na raw niya iyung ginagawa siyang pantasya ng bayan at kung anu-anong komento ang natatanggap niya dahil sa pagnanasa sa kanya ng mga kalalakihan. “Ganito pala ang pakiramdam…iyung parang nirerespeto. Hindi yung ‘ang sexy mo, ang hot mo.’

“Hindi ako against sa mga nagpapa-sexy. Kasi diyan din ako nanggaling eh,” sabi pa niya.

Pero ngayon ay parang napapanatag na raw siya at masaya na raw siya sa pagbabago ng career path. “Masaya ako. Gusto ko lang malaman n’yo na masayang-masaya ako dun.

“Gusto ko ‘yung napansin nila ang talent mo…iyung napansin nila ako bilang aktres, bilang artista.

“Kaya nag-aaral ako maggitara, magtugtog, kasi ayokong ma-stuck sa kung saan ka lang. Gusto ko talaga mag-grow,” saad ng Kapuso sexy actress.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with