^

PSN Showbiz

Kris at mga anak, nakabalik na ng maynila

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris at mga anak, nakabalik na ng maynila
Joshua at Kris

Bigla naisip ko si Kris Aquino, Salve. Naalala ko kasi na doon siya na-lockdown sa Mindoro at kahapon ay nakabalik na pala silang mag-iina sa kanilang bahay.

Sa bagay mas maganda na rin na doon sila ng mga anak niyang sina Joshua at Bimby na-lockdown dahil maganda ang hangin at mas maluwag ang kilos nila sa beach house kung saan sila tumira. Siguro mas naging maganda pa para sa health nila na nandun sila ng mahigit dalawang buwan.

Nakaka-miss din ang mga balita kay Kris dahil newsmaker talaga siya.

Hoping na she is healthy at walang naging problema during lockdown at quarantine lalo na ang dalawa niyang boys na sina Joshua at Bimby.

Eat Bulaga hindi na magpapapasok ng audience

Ang daming nagtatanong kung sa pagbabalik ba ng Eat Bulaga sa live magkakaroon pa ba sila ng audience, kasi nga dapat maging maingat at mahigpit na ang health protocols, so medyo delikado ang live audience.

Siguro pag-iisipan na ngayon ang participation ng home viewers, wala nang live audience at iyong mga nanonood na lang sa bahay ang magpa-participate sa mga pa-contest.

Hindi na rin puwede ang pagdalaw sa mga barangay, kaya pag-iisipan na sigurong ibahin ang mga game show.

Ayaw naman siyempre ng Eat Bulaga na magkasakit ang audience nila at siyempre iingatan din ang hosts ng show.

Talagang bago na ang lahat at pati ang concepts ay iba na rin.

Bisikleta hindi bagay sa Pinas

Hindi ako naniniwala na magiging best alternative ang bisikleta para gamitin ng tao.

Sa init ng panahon sa Pinas, sa alikabok at baku-bakong kalsada ay palagay mo gugustuhin ba itong gamitin ng isang office worker pagpasok ng opisina? Pati ang mga student na papasok sa school, magiging safe ba pag ito ang ginamit nila?

Baka mamaya pag gumawa ng bicycle lane at ayusin ang daan ay gagastos na naman pero pagkatapos ay hindi naman magagamit at illegal vendors na naman ang makikinabang.

Sa ngayon ay ok pa dahil walang alternative at medyo maluwag pa ang kalsada pero pagbalik ng normal na traffic ay wala na.

Ayusin na lang ang mga bus, taxi at mga sasakyan ng commuters para hindi mahirapan ang lahat. Huwag na mag-ilusyon pang gumasta sa paglalagay ng panibago na naman sa kalye.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with