^

PSN Showbiz

Maymay, bata pa lang, faney na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay, bata pa lang, faney na!
Maymay

Kahit noong hindi pa artista ay mahilig na raw talaga si Maymay Entrata sa panonood ng iba’t ibang teleserye at pelikula. Aminado ang dalaga na malaki ang paghanga niya sa mga bidang artista sa lahat ng kanyang napapanood noon. “Fan na fan talaga ako ng mga teleserye at pelikula. Kaya dati ‘pag pinapanood ko ‘yung mga iniidolo ko, laging nasa isip ko,’ Hala! Grabe itong mga artistang ‘to, parang ang dali lang ng ginagawa nila, iiyak lang, tatawa lang sila. Batuhan sila ng linya, tapos ‘yon na ‘yung trabaho nila tapos sikat pa sila.’ So ang tingin ko talaga sa kanila ay napaka-perfect nila,” pagtatapat ni Maymay.

Mula nang tanghalin bilang Pinoy Big Brother Big Winner noong 2016 ay nagtuloy na ang dalaga sa pag-aartista. “No’ng pumasok ako sa showbiz sobrang kabado ako. Nando’n ‘yung pressure, hindi pala madali mag-artista. Puyatan pala dito pero at the same time, naa-amaze ako sa mga artista, sa tapang nila kung paano nila hinandle ‘yung trabaho nila, personal na buhay nila. Kaya napakalaki ng respeto ko sa kanila talaga. Saksi ako na hindi talaga madali ang pagiging artista,” paglalahad niya.

Isa sa mga nagsisilbing inspirasyon para kay Maymay sa pagiging artista ay si Kathryn Bernardo. Matatandaang nagkatrabaho ang dalawa sa teleseryeng La Luna Sangre at pelikulang Hello, Love, Goodbye. “Tanda ko ‘yung La Luna Sangre, hindi ko pa kuha ‘yung sistema do’n, kung paano ba umiyak. Hindi ko alam kung ano ang instrument ko. Ang akala ko kasi mag-memorize lang ako ng line tapos ibabato ko lang tapos na. Tapos hiyang-hiya ako kasi may eksena kami ni Ate Kath tapos no’ng nag-cut, nagpunta siya sa director. Tapos tiningnan niya ‘yung monitor tapos sabi niya kay direk, ‘Isa pa.’ Sa isip ko, ‘Ang ganda na no’n tapos gusto pa niya ng isa.’ Do’n ako na-inspire kay Ate Kath. Kung gaano siya ka-passionate sa craft niya,” paliwanag ng aktres.     

Stephen ng Showtime, matagal naging stalker ng BF

Kasintahan ngayon ng It’s Showtime dancer na si Stephanie Robles ang nakababatang kapatid ni JM de Guzman na si Matthew. Nabansagan at nakilala ang dancer bilang ‘Stephen’ kaya marami pa rin ang kumukuwestiyon at nalilito sa tunay na sekswalidad ng dalaga. “Ano pa ba ang itatanggi natin? Girl po ako, girl po si Steph,” natatawang giit ni Stephen.

Maging sa nobyo ay marami na ring umanong nagtanong kung tunay na nga bang babae si Stephen. “Ito na ang pinaka-inaabangan ng lahat. Kasi pati sa akin may mga nagtatanong kung bakla daw talaga,” kwento naman ni Matthew.

Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas nang nagkakilala ang magkasintahan. Nakita lamang daw noon ni Stephen ang larawan ng nobyo sa social media. “Pina-follow ko ‘yung kuya niya. Nakilala ko siya dahil sa kuya niya. Tapos nakita ko ‘yung post ng kuya niya, November 2016, binati ng Happy Birthday. So in-stalk ko ‘yung profile. Tiningnan ko lang tapos, ‘Ah okay.’ Di siyempre kapatid, eh di finallow ko, ‘Yon lang naman ang ginawa ko na hindi naman pinagsisihan. Kasi nag-story ako ng mata ko. Tapos nabighani siguro siya sa mata ko. Tapos nag-message sa akin. Hindi kami nagpansinan halos no’n, nag-reply, okay, tapos Christmas, do’n na nag-start,” pagdedetalye ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with