Liza
STAR/ File
Liza at Taylor nagkampihan sa junk terror bill!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

Kahit pirma na lang ni presidente ang kulang

Nakisali si Liza Soberano kahapon sa “Junk terror bill.”

“Please do not take away our voices our basic human rights!!!!,” tweet niya kahapon bilang reaction sa anti-terror bill na pino-protesta rin ng marami.

Kaya naman proud ang fans ng Kapamilya actress sa naging stand niya sa controversial na Anti-Terrorism Bill na pirma na lang ni Pres. Duterte ang kulang.

Pero kung meron namang napahanga kay Liza, marami rin naman ang nanlait at sinasabing wala naman siyang alam tungkol dito.

Obvious na nawalan ng silbi ang #JunkTerrorBillNOW na kinakampanya ng maraming artista kabilang na ang international pop superstar na si Taylor Swift? Yup, nag-upload si Taylor sa kanyang IG story na may hashtag pang #JunkTerrorBill, #MassTestingNowPH and #OustDuterte.

Pasado na ito Congress at Senate kaya diretso na ito sa pangulo.

Aside from anti-terror bill, nag-comment din nga pala si Liza sa ginanap na hearing sa Congress kahapon kung saan sumalang si Mr. Gabby Lopez para sa franchise hearing ng ABS-CBN para patunayang siya ay 100% Pilipino. “So foreigners can own public utility services but Sir Gabby who has proven is citizenship can’t? Why is this even a question?”

By the way, sinabi ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar sa House of Representatives na isang Pinoy si Mr. Lopez :  “Siya po ay merong magulang – both father and mother – na Filipino citizen. Kaya po sa kanyang pagkapanganak, siya ay Filipino citizen... Ang paggamit ng kanyang US passport ay hindi po dahilan para mawala ang kanyang Filipino citizenship, at ang hindi naman niya pagkakaroon ng Philippine passport ay hindi rin isang dahilan na hindi siya maging Pilipino. Pagdating sa citizenship, hindi po issue na may pasaporte ng ibang bansa,” pahayag ni USEC Aglipay-Villar bilang sagot kay Sagip Party-List Rep. Rodante Marcoleta.

Anyway, iginiit nga ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III na isa siyang natural-born Filipino citizen sa pagharap niya sa House of Representatives kahapon, Hunyo 3. “I am a natural-born Filipino citizen because both my parents are Filipino citizens,” aniya.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with